Abalos bigong makakuha ng MR sa electoral sabotage case

BIGO ang kampo ni dating Commission on Elections (Comelec) chairman Benjamin Abalos na makakuha ng motion for reconsideration (MR) sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112 para sa kanyang kasong electoral sabotage.

Sa pagdinig ng kaso sa sala ni Judge Jesus Mupas, humarap si Abalos kasama ang kanyang mga abogado.

Bago magpalabas ng resolusyon sa kaso ang korte ay binigyan muna nito ang prosekusyon nang pagkakataon na magkomento hanggang sa Miyerkules sa susunod na linggo.

Ang nasabing MR ay hiniling ng kampo ni Abalos upang ibasura ng korte ang nasabing kaso na isinampa ng Comelec.

Nag-ugat ang kaso ni Abalos sa umano’y dayaan sa halalan noong 2007.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply