Academic background ni Corona kuwestyunable

PINAGPAPALIWANAG ni ACT Partylist Rep. Antonio Tinio si Supreme Court Chief Justice Renato Corona hinggil sa kwestyonableng academic background nito.

Sinabi ni Tinio na dapat ipaliwanag ni Corona ang kanyang unverified claims na undergraduate honors sa Ateneo at ang iregularidad diumano sa kanyang doctorate sa UST lalo pa at nahaharap ito sa impeachment case.

Hamon din ni Tinio kay Corona na kailangang humarap ito upang malinis ang kanyang pangalan sa lahat ng ibinibintang sa kanya at dapat mabigyang linaw ang kanyang educational background dahil panibagong isyu na naman ito kapag nagkataon.

Aniya, bilang isang impeachable public official, ang mga kwestyon sa integridad ni Corona ay masagot dapat ng tama at buong katapatan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply