Addicted sa pirated CDs, chickboy at nagma-marijuana ang ‘di katangkarang male starlet

IBANG klase pala ang drama ng male starlet na ‘to.

Maayos naman ang kita dahil bongga ang kadatungan sa network na kanyang nilipatan pero mahilig bumili ng mga pirated CDs sa may Muñoz (Dangay St.), Roosevelt, Quezon City.

“Dala niya pala-palagi ang kanyang Silver na Revo,” so says our deep penetrating agent, “kasama ang iba pa niyang chicks. Hehehehe!

“Nakatutuwa lang kasi tinatangkilik ng mga arista ang mga pirata.

“Anyway, ang layo ng ugali niya kay Arnel Pineda na di rin katangkarang tulad niya pero lakas ng PR,” our source asseverates.

“Nagpapa-autograph nga ako sa kanya at game na game siya.

“Pero si _________ (name of the bonzai male starlet), suplado talaga.

“At say mo, pare, nagma-marijuana ‘yan sa isang computer shop sa kanto ng Road 20, Project 8.

“Naka-jamming na ‘yan ng tropa.

“Pawang katotohanan lang info ko, pare,” avers our DPA. “Pag andun na ‘yan sa com-shop, sa Road 20, kahit di pa kami time, pinaaalis na kami nu’ng bantay sa shop. Malakas siya roon eh.”

Well, okay na lang siguro ‘yung adik sa mga pirated CDs ang young actor na ‘to as compared naman du’n sa rati niyang Katropa na iba ang tinitira. Hahahahahaha!

In fairness, gwaping pa rin at sariwa ang bagets na ‘to whereas ‘yung tropa niya ay parang layos-layos na at parang nagka-edad before his time.

Kilala n’yo na ba siya? Well, ang di makakilala, sobrang syongaers. Hahahahahahaha!

***

Hansen Nichols live at Casino Filipino

PINOY Dream Academy Season 2 scholar Hansen Nichols takes centerstage with his show Hansen Nichols Live this January. He will be at Casino Filipino Tagaytay (January 25 / 9pm), and Airport Casino Filipino (January 26 / 9pm).

After his stint on PDA, Hansen continues to live his dream as a singer. He says, “Many opportunities came after PDA Season 2. I got to perform and tour around the Philippines which has always been my dream; I guested and performed on various programs on the Kapamilya network; and met many of my idols that I grew up watching and listening to. I also got the chance to record and be part of a GOLD record album. I was able to act in several teleseryes. I hope to do more in the future including a movie and to finally release my solo debut album.”

When did his love affair with music start? “It began when I was a young child. My mom used to sing at parties of friends and families. We had a singing machine so I started playing with it and sang songs even though I couldn’t read the words. I soon joined a choir and performed in local singing engagements and even weddings.”

Hansen was born in Burlingame, California and graduated from University of San Francisco with an Economics degree. While inside the Academy, Hansen impressed the audience with his rendition of famous songs like Kailangan Kita, I Believe I Can Fly, My Chérie Amour, Bailamos, and Hold On.

If he will be given a chance to revive a song, Hansen says he will choose Nandito Ako. “Many of the great singers remake classics and for me the song is a classic that I used to hear while I was growing up in the States. People love the song and I would love to put my stamp on it and hope people would love my version.”

Hansen is a cancer survivor. “I want to be remembered as a successful singer with a lot of heart. It’s important for me to reach success as a singer because it would prove that even though I was against all odds, I didn’t let anyone tell me that I couldn’t sing. I never gave up and never gave up hope. It may have taken me awhile to reach that success but inevitably, I did.”

Hansen Nichols is a Backroom artist.

For inquiries, call Backroom at 4351108 and 4351120 or email at backroominc@hotmail.com

***

Sarah papalit kay Vice Ganda?

SA special get together ni Sarah Geronimo (post Christmas party niya actually for the press), nai-divulge na magkakaroon siya ng Sunday musical-variety program for ABS CBN.

I wasn’t able to come that near so I wasn’t able to listen to its full detail but I was told by Peter L. that it’s definitely pushing through.

Well, could it mean that Sarah’s going to replace Vice Ganda who’s presently lording it out on this slot?

Kunsabagay, wala namang magiging complications dahil pareho naman silang Viva talents.

Anyway, nag-enjoy ang press sa intimate party ni Sarah dahil espesyal at napakasarap ng mga niluto ng kanyang Mommy Divine at bongga ang ginawa niyang pagsaludar sa press bagama’t halatang hindi siya masyadong komportable.

Whatever, bonggadera nang tunay ang finances ng kanyang pamilya.

Maliban sa kanilang pabolosang bahay sa St. Charbel Subdivision along Mindanao Ave., heto ka at meron na naman silang bagong acquisition na bonggacious talaga ang arrive.

“Hindi lang ‘yan tugang,” so says our kababayan and Taliba entertainment ed Butch Roldan, “may bago na naman silang nabiling bahay na malapit lang dito.

“Ganyan kagaling humawak ng pera si Mommy Divine.”

Oo nga naman.

At say mo, blockbuster pala ang kanilang catering business last December kaya di na halos natutulog nu’ng time na ‘yun ang ermats ni Ms. Sarah.

Sa nasabing post-Christmas party pa rin ng prinsesa ng Viva, na-touch ang mga entertainment writer dahil bukod sa pagkasasarap na lafang courtesy of Mommy Divine, may pa-raffle pa sila at give-aways.

Kung ganyan ang eksena nila tuwing December, nakasisiguro kaming siksik-liglig ang swerteng balik nito sa career ni Sarah.

***

Touching ang pagtangkilik ng mga estudyante sa movie ni Gov. ER Ejercito

GULAT na gulat ang nephew naming si Archie Santander sa superfab na reception ng publiko, the students in particular, sa movie ni Gov. ER Ejercitong Asiong Salonga Story na as of presstime ay patuloy talagang tinatangkilik sa mga SM cinema outlet.

“Pati po ‘yung mga songs sa movie super hit sa mga estudyante at dina-down load talaga nila,” asseverates Archie.

“Sa SM Manila uncle, ang tindi ng pila,” he avers. “Nang mapadaan nga ako last Tuesday, mahaba talaga ang pila.”

Well, good karma naman kasi si Gov. Ejercito dahil napakabait niyang tao at bukas-palad sa press at sa mga taong nangangailangan.

Siya lang yata ang artistang walang tigil ang pasasalamat sa working press. Halatang-halata mong sincere siya at melting with gratitude sa all out suport nila sa kanya.

Mabuhay ka, Gov. Mabait ka kasi kaya good karmang talaga.

***

Sinuswerte dahil ideal daughter talaga

KUNG titingnan mo ang Queenstar for all seasons na si Gov. Vilma Santos Recto, you’d never have the slightest inkling that she has domestic problems of her own.

Perennially, para kasing that sweet smile appears to be perpetually etched on her comely face thereby giving the impression that all’s well with her world.

Maliban sa kanyang problems sa pulitika, meron din pala siyang domestic concerns and one of these happens to be her mom Milagros Santos.

“She’s healthy naman,” so says Jojo Lim, the president of the VSSI (Vilma Santos Solid International), “pero may dalawa siyang nurse at pag puede, kasama siya ni Gov. Vi sa Kapitolyo. ‘Andun din naman kasi si Ate Emilyn, older sis ni Ate Vi.

“Dati,” he looks back dripping with nostalgia, “nu’ng mas malakas pa si mama ay 6 months siya sa U.S. at six months rito sa Pinas.

“Ngayon,” he adds replete with a wistful smile, “dito na siya at sina Winnie at Maritess na lang ang umuuwi yearly to visit Ate Vi and mama.

“Nevertheless, she’s healthy for an 87 year-old woman.

“‘Yun nga lang,” he adds as an afterthought, “may alzheimer’s disease na siya which is typical naman of women her age.”

Well, napakaswerte ni Mama Santos dahil may anak siyang tulad ni Ate Vi who’s a veritably good provider and an ideal daughter to boot.

Mabuhay ka Ate Vi, sana’y lahat ng anak ay tulad mo.

***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply