AFP naniniwala na kayang harapin ni Palparan ang mga kaso

NANINIWALA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na kayang-kayang harapin ni ret. Major Gen. Jovito Palparan ang kanyang kinakaharap na kasong kidnapping at serious illegal detention.

Sinabi kaninang umaga ni AFP Civil Military Operations chief, Major Gen. Eduardo del Rosario, na kayang idepensa ni Palparan ang kanyang sarili at mapawalang-sala sa proseso.

Ayon kay Del Rosario, bagama’t kasamahan nila si Palpaparan ay wala namang nangyayaring demoralisasyon sa hanay ng mga sundalo dahil sa kaso nito.

“Kaya niyang harapin ang kanyang kinasasangkutan, kaya niyang harapin at mapawalang-sala in the process,” ani Del Rosario.

Kasabay nito, kinatigan naman ng opisyal ang pahayag ng Association of Generals and Flag Officers (AGFO) kaugnay sa kaso ni Palparan.

Tama lang umano ang kanilang panawagan na igalang ang pagiging inosente ni Palparan hanggang walang conviction at irespeto ang kanyang pagkatao dahil nagsilbi ito para sa demokrasya ng bansa. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply