Agrarian reform officer natagpuang patay sa Albay

HINIHINALANG nagpakamatay ang isang municipal agrarian reform officer ng Tiwi at Malinaw, Albay na natagpuang patay na sa mismong opisina nito kaninang umaga, Enero 13.

Nabatid na bandang alas-8:00 kaninang umaga nang matagpuan ang bangkay ni Engr. Escolastico Monilla, sa mismong opisina nito na nakabase sa Brgy. Baranghawon, Tabaco City.

Nabatid sa pulisya na posibleng nagpakamatay ang naturang opisyal matapos matagpuan sa bangkay na hawak pa ang baril na ginamit nito at isang basyo ng 9mm pistol.

Wala rin nakikitang anumang senyales na may nakasama ang biktima sa loob ng tanggapan.

Wala rin itong anumang nababanggit na dinaramdam o nakagalit sa kaniyang kapwa empleado.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang SOCO team habang tikom pa ang bibig ng pamilya ng biktima sa nasabing insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply