Agrikultura sa bansa noong 2011 umangat ng 2.34%

UMANGAT ng mahigit 2.34%  ang industriya ng agrikultura na kinabibilangan ng mga tanim, livestock at poultry products sa bansa.

Ito ay bunsod na rin ng positibong nagawa ng tatlong sektor ng agrikultura na nagsilbing tagapagligtas sa kabila ng negatibong pagkalugi ng pangisdaan dulot ng sunod-sunod na bagyo, iligal na pangingisda at overfishing noong ikalawang semestre ng 2011.

Umabot sa P1.4 trilyon halaga ngayon ang kabuuang produksyon ng sakahan na mas mahigit ng 11.5% kumpara noong 2010.

Ang crops subsector na nag-contribute ng isa’t kalahati o 49.6% ng kabuuang agricultural output ay umangat ng 4.82% na pinagungunahan ng palay at mais.

Umabot naman sa kabuuang 16.68 million metric tons (MMT) ang naaning palay, mahigit ng 5.8% kumpara noong 2010 na 15.77 MMT, habang sa maisan naman ay umabot ng 6.97 MMT na 9.3% mas mahigit noong 2010, 6.38 MMT.

Tumaas din ang produksiyon ng asukal ng 28.38 MMT, 58.3% mas mahigit noong 2010 (17.93 MMT), habang positibo rin ang naging galaw ng tobacco, pineapple at rubber noong isang taon.

Umani rin ng mataas na produksiyon ng paghahayupan gaya ng babuyan na nakapag-contribute ng mahigit 2% kumpra noong 2010, ang bakahan na may 1.8% at dairy production na 3.7%

Gayundin ang produksiyon ng manok na nadagdagan ng 4.5 % at ang produksiyon ng itlog na umabot gn 4.2 %  na umani ng P158.8 bilyon sa kasalukuyang presyo at mahigit 4.8% noong 2010.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply