Ai Ai delas Alas ginagamit ni Vice Ganda?

DEDMA lang si Ai Ai sa isyung inaamin ni Vice Ganda na meron silang hindi napagkakasunduan. Mabilis ang pagkalat ng insidenteng inisnab ni Vice si Ai Ai nang minsang magkita sila sa isang hotel noong Pasko.

Abot-abot nga ang pamamalita ni Vice at sinasabing galit nga sila ni Ai Ai gayung walang sagot ito kapag siya ang tinatanong. Kumbaga, di ina-acknowledge nito na nag-aaway nga sila ni Vice.

Sa The Buzz inamin ni Vice na mayroon nga silang gap ni Ai Ai delas Alas at totoo rin daw ang nasulat ni Ricky Lo sa kolum nito na inisnab niya ang Comedy Concert Queen nang magkita sila sa Manila Peninsula last Dec. 25.

Galing daw si Ai-Ai sa charity work that day at naisipang kumain sa Manila Penn kasama ang mga anak. Nagkataon naman na narooon din sina Kris Aquino, Liz Uy at Vice Ganda na galing sa screening ng Segunda Mano.

Lahat daw ay bumeso kay Ai-Ai maliban kay Vice.

Hindi naman nag-deny ang komedyante sa kanyang panayam sa The Buzz.

“Totoo pong nangyari ‘yon na hindi po kami nagpansinan ni Ms. Ai Ai sa isang lugar. ’Di ko siya pinansin, ’di niya ako pinansin at walang pansinang naganap kasi mayroon po kaming pinagdadaanan,” pag-amin ni Vice Ganda.

“Mayroon po kaming isyu na kinakailangang maresolba at nawa’y maresolba sa takdang panahon,” sabi pa nito.

Ipinaliwanag ni Vice na hindi naman daw porke’t inisnab niya si Ai-Ai ay bastos na siya. Aniya, may problema raw kasi sila kaya naman ganu’n ang kanyang naging aksyon.

“Naniniwala ako sa takdang panahon ay mauunawaan ninyo kung bakit nangyari ‘yon. Sana sa takdang panahon ay magkaroon ng resolusyon ang problemang ‘yon,” pahayag pa ng komedyante.

Sa bersyon ni Ai Ai sa tampuhang ito, nagtataka nga rin daw ang Comedy Concert Queen at hindi raw nito alam na may tampuhan sila ni Vice.

Ang nakakaloka pa, ayon sa nasagap namin, hindi nga raw naramdaman ni Ai Ai na naisnab siya ni Vice sa Manila Penn at nabasa lang daw niya ito sa column ni Tito Ricky.

Clueless daw si Ai Ai kung paano sila nagkaroon ng rift ni Vice at ’pag tinatanong na nga lang daw ito tungkol sa issue, ang sinasagot na lang daw ng komedyana ay “hindi ko alam. God bless you more.”

***

Aljur Abrenica tinabla na ng GMA 7?

MISSING as in di man lang nababanggit o naipakikita si Aljur sa mga plugs ng mga bagong shows ng GMA 7 ngayong 2012. Is this saying na kaput na siya at wala ng balak ang network na tangkilikin siya?

Dapat sana magkapareha sina Aljur at Rhian Ramos sa GMA movie na “My Kontrabida Girl,” pero problemado pa ito at di sigurado kung matutuloy dahil sa pagbabakasyon ng young actress sa trabaho. Wala pang kasiguraduhan kung magre-resume pa ba ang shooting nito o tuluyan nang magsi-shelve. Sa true parehong nega ngayon sina Rhian at Aljur kaya talagang malabo na ito.

And obviously, nauungusan na ang Kapampangang actor ni Alden Richards. Maiksi man ang role sa Panday 2, malaking exposure na rin para sa kanya ’yon dahil marami ang nanood ng movie.

Maarte kasi si Aljur na inayawan ang project kaya ayan, nakarma yata siya.

Si Alden ngayon ang bini-build up ng GMA. Malakas din ang suporta sa aktor ng higher executives ng network kaya sigurado na ang projects nito ngayong 2012.

What went wrong kaya kay Aljur? Oo, naisama siya sa Amaya pero hindi gaanong nagmarka ang role niya sa epic serye, huh! Mabuti pa nga ang rumored girlfriend niyang si Kylie Padilla, may bagong project sa GMA.

O baka naman sadyang minalas siya dahil kay Kylie. Karmic siya dahil sa ginawa niyang pagdispatsa kay Rich Asuncion?

Hindi ba nakatulong si Kylie sa pagkaka-link sa kanya para lalong umangat ang career o talagang may problema sa kanya?

Sa ganang amin, nakukulangan kasi kami sa sinseridad ni Aljur tuwing nakahaharap o nakikita namin sa telebisyon.
Kulang man ang husay niya sa pag-arte, natututunan naman ang aspetong ’yon ng isang artista. Pero ’yung maging totoo sa pagharap sa mga tao, isang malaking factor ’yon upang maging sincere din ang paghanga ng publiko sa isang artista.

May natitira pa kayang alas si Aljur para mabawi ang naunsiyaming popularidad?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply