Albay nakaalerto sa tuloy-tuloy na pag-ulan

NAKATAAS na ang alerto ng Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa buong lalawigan matapos mamonitor ang tuloy-tuloy na malakas na buhos ng ulan simula pa kaninang umaga.

Ayon kay Albay Governor Joey Salceda, batay sa kanilang monitoring, alas-6:00 hanggang alas 7:00 ng gabi ay nasa 40 millimetera na ang amount ng rainfall o 64.4 meter sa loob lamang ng dalawang oras.

Inatasan na ni Salceda ang lahat ng city, municipal at barangay disaster risk reduction and management council na maghanda at magmonitor sa mga abiso o babalang ilalabas ng PDRRMC at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration-Department of Science and Technology (PAGASA-DOST).

Pinagbabawalan na ring lumabas ng bahay ang mga residente kung hindi kinakailangan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply