Alternatibong fuel tututukan ng gobyerno

BUNGA ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, sinabi ni Department of Transportation and Communications Secretary Mar Roxas na tututukan ngayon ng administrasyong Aquino ang kapakanan ng mga driver at operator.

Sa panayam, sinabi ni Sec.Roxas na masusing pinag-aaralan ng mga eksperto ngayon ang malawakang paggamit ng alternatibong fuel gaya ng liquefied petroleum gas at kuryente gayundin ang bagong uri ng diesel engine.

Ayon kay Roxas bagamat may kamahalan ang mga gagawing conversion sa mga sasakyan na umaabot hanggang P300,000, walang magagawa ang mga operators kundi mag-ipon at magbayad ng ganitong halaga kapalit naman umano ang malaking kikitain pagkatapos.

Binanggit ng kalihim, batay aniya sa ginawang pag-aaral ng UP School of Mechanical Engineering, kailangan ang mas mura at komprehensibong conversion upang mapalaki ang kita.

Sa Pilipinas aniya, karamihan ng mga jeepney ay second-hand at minsan ay may mga third-hand na makina at sakaling i-convert ito sa LPG ay kinakailangan ang halos buong pagbabago ng makina kasama na ang transmission at differential kung kaya nagiging magastos ang conversion. Santi Celario

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply