Anak dedo, ama sugatan sa away sa parking lot

PATAY ang isang binata habang sugatan ang tatay nito matapos pagsasaksakin ng isa sa mga  nakatalo ng mga una sa parking lot sa Caloocan City kagabi (Enero 22).

Dead on arrival sa Manila Central University Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Moises Ivan Mendoza, 23 ng Claro M. Recto, Manila.

Ginagamot naman sa nasabing ospital sanhi ng tama ng saksak sa katawan ang ama ng namatay na si Moises Mendoza, 51, ng nasabi ring lugar.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Jr.

Batay sa ulat, dakong alas-9:45 ng gabi, katalo ng mag-ama ang isang grupo sa parking lot sa Bartolome Compound, Sta. Quiteria ng lungsod.

Sumulpot ang suspek at walang salitang pinagsaksak ang mag-ama bago tumakas habang dinala naman ang mga biktima sa MCU.

Inaalam na ng mga pulis ang pinag-ugatan ng nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply