Anak na dalaga ni Malu Barry sinuntok ni Lito Pimentel

SINUNTOK daw ni Lito Pimentel ang anak na dalaga ni Malu Barry na si Bernalou sa isang bar sa Pasig na ikinasugat ng bibig nito.

Dahil sa tindi ng galit ni Malu, naitsika niyang magdyowa ang anak at si Lito na kahit tutol siya ay hinayaan na lang niya dahil sa pagmamahal sa anak na dalaga.

Mahal ni Malu ang anak kaya kahit tutol ay tinanggap na niya ang relasyon ng dalawa kahit matanda sa anak niya si Lito.

Ayon pa sa tsika ng magaling na torch singer, sunud-sunod daw ang mga hindi kanais- nais na insidenteng ginawa diumano ni Lito sa kaniyang anak at sa kanilang bahay.

Last Christmas lang daw niya hinamon ng barilan si Lito dahil nga sinuntok ang anak niya.

Umakyat daw ang dugo sa ulo ni Malu nang makitang duguan ang bibig ng anak matapos suntukin daw ito ni Lito.

Tsika ni Malu, nasa isang bar sila sa Pasig para magkasayahan. Kasama niya si Bernalou at kasama naman daw nito si Lito. Nandoon din daw ang iba niyang mga anak pati na ang asawa nito. Dumalo rin ang iba niyang mga kaibigan.

Tila nagselos daw si Lito nang lapitan ni Bernalou ang table kung saan nandoon ang kanyang kapatid at ang mga kaibigan nito. Wala raw malisya ang paglapit at pakiki- pag-usap nito sa kaibigan ng kapatid dahil friends din niya ang mga ito.

Nang lapitan daw ni Lito si Bernalou, bigla raw nitong inundayan ng suntok sa muk- ha. Kaagad na nakarating daw kay Malu ang nangyari dahil nasa kabilang table lang siya. Paglingon daw niya nakita niyang umiiyak at duguan ang bibig ng anak.

Pinagmumura raw ni Malu si Lito at hinamon ng barilan nang oras na yun. Hinayaan lang daw ng mga kasama niya si Malu kaya hindi nagawang kuyugin at bugbugin si Lito ng mga ito.

Humingi naman daw ng sorry ang alaga ni Mr. Alfie Lorenzo kinabukasan sa isa pa niyang anak na nandoon sa party at nag-sorry rin daw ang actor kay Malu pero hindi na niya ito nireplayan.

***

Hindi na naman natuloy ang pag-alis ni Nora Aunor pa-Tate para ipagamot muli ang lalamunan na nasira dahil sa tinamo nitong operasyon sa mukha.

Katwiran daw ng Superstar, masama ang kanyang pakiramdam at hindi nito kayang mag- biyahe.

Dahil sa naudlot na pag-alis ni Ate Guy, may nagtaray na: “Ano ba ang bago sa desis -yon ng Superstar. Lagi namang ganyan. Walang kasigaruhan.”

In fairness sa Superstar. Kapag maganda at maayos naman talaga ang kalagayan nito,  walang makapipigil na mag-abroad ito para magpagamot.

Dapat din siguro isaalang-alang din ang kalagayan at kalusugan ng Superstar dahil hindi na ito bata tulad ng dati na puwedeng sumabak kahit masama ang pakiramdam.

***

Full support si Derrick Monasterio para sa love team nina Bea Binene at Jake Vargas kaya pumayag ito maging ka-love-triangle sa bagong telefantasya ng GMA 7 na Alice Bungisngis and Her Wonder Walis.

Matatandaang na-link noon si Derrick kay Bea at balitang pinormaham pa nito ang young actress. Nagkaroon pa nga raw ng samaan nang loob ang dalawang bagets dahil kay Bea.

Pero pagtatanggol ni Derrick, magkaibigan lang sila ni Bea at trabaho lang ang gagawin nila sa show at hindi ligawan.

“Bilang respeto ko sa love team nila Jake at Bea, hanggang sa show lang ang love triangle namin. Hindi sa totoong buhay,” natawang pahayag ni Derrick.

Klik kasi sa mga fans ang love triangle nina Jake, Bea at Derrick sa Reel Love Presents Tween Hearts kaya silang tatlo ang pinagsama-sama sa bagong telefantasya ni Bea sa GMA 7. Saka may iba namang kapartner si Derrick na ibini-build up ngayon ng Kapuso Networt ang “Derrick at Lexi Fernandez love team.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply