Ang CAP, Fil-EstatE, MRT at si MVP

NAGSANIB-PUWERSA na sina Robert Sobrepeña at Manny V. Pangilinan (MVP) through Smart Share Investments. Ltd. Ang dalawang grupong ito ay may-ari na ng lahat ng MRT group of companies.

Eh saan kaya galing ang kanilang mga pera? Samot-samot ang kuwento pero sa bandang huli, ang kawawang mga policy holder ng College Assurance Plan (CAP) pala ang dadamputin sa kangkungan.

Milyon-milyong piso ang ipinagkatiwala ng kawawang parents na bumili ng pay now enroll later assurance plan ng CAP nina Sobrepeña at mga kapanalig.

Nagsara ang CAP at katakot-takot na mga bata ang nawalan ng pag-asang maka-enroll sa kolehiyo gamit ang sarili nilang pera. Marami nang taon ang dumaan pero hindi pa rin makasingil ang parents.

Inimbestigahan ito ng Securities and Exchange Commission (SEC) at ng korte. Ang desisyon ay dapat ma-rehabilitate ang CAP upang makabayad ito sa kanyang mga creditor.

Ang problema ay hindi lang pala ang mga parent ang creditors ng nagsarang CAP. Ang grupo pala ni MVP ay creditor din. At ang Fil-Estate din pala. Ang tanong ay sino ang unang babayaran, ang victim parents ba o si MVP at Fil-Estate?

Siyempre ang nanalo o unang babayaran ay si MVP at Fil-Estate, hindi ang mga pobreng parent. Saka na lang daw babayaran ang parents.

Ang perang nakuha sa CAP, na pag-aari rin naman nina Sobrepeña, ay inilagay sa MRT na pag-aari rin naman ng Fil-Esate at nina MVP. Magkano ba ang perang involved sa transaksyon na ito? $9 million po. Yes, dollars po ito.

Eh magkano po ang nakuha ng mga pobreng parent? Isang duling na piso lang yata ang natanggap ang parents, P400 million daw na paghahatian pa ng libo-libong parents na natsugi sa rehabilitation plan.

At bakit naman nagsara ang CAP eh nagbabayad naman ang parents sa kanilang nabiling assurance plan? Ang pera, ayon sa aking pagkakaalam, ay inilagay sa MRT na tadtad din ng utang na babayaran naman ng mga pa-sahero ng MRT.

Ang sarap ng mga ito ano po? ‘di lang po ito tubong lugaw. Wala nang lugaw eh may tubo pa.

Ang grupong ito ay lalo pang lumawak nang pumasok sila sa Camp John Hay. Ngayon ay kasama na rin nila ang Bank of Commerce. Teka, di ba ang Bank of Commerce ay pag-aari naman ng mga Cojuangco?

Ang smart po nila, hindi po ba? Eh ang judge at ang SEC, smart din kaya?

Ang masasabi ko lang ay mukhang na outsmart ang mga policy holder ng CAP. Sa pamamagitan ng pag-boykot sa mga produkto o kompanyang sa ating tingin ay nang-aapi o nang-aabuso sa mga mamimili at pagtangkilik sa mga kakamping negosyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply