Ang mga Taga-LTO at traffic enforcer

KABILANG sa mga dapat na tutukan ng mata ni Boss PNoy na problema ang mga taga-LTO at traffic enforcer ng mga lungsod at bayan.

Sa totoo lang, kabilang ang mga taong gobyerno na ito sa mga tuwirang nakakaugnayan ni Juan sa pang-araw-araw na buhay.

Kung bakit pinatututukan natin ang mga ito ay dahil sa perhuwisyo na idinudulot ng mga ito sa milyong motorista at pasahero.

May magaganda ring balita ang mga ito ngunit higit na nakararami ang nakasasama sa layunin ni Boss PNoy na kamtin ang matuwid na daan sa tinatawag na serbisyo publiko.

oOo

May pagkakaiba nga lang ang mga taga-LTO at traffic enforcer.

Itong mga taga-LTO ay mas madaling makausap ukol sa mga problema sa sasakyan o paggamit sa mga lansangan.

Sa ating karanasan, kapag pinara ka ng mga ito at magtanong ka kung ano ang naging problema, ipaliliwanag nila yan sa iyo at karaniwang binibigyan ka ng tsansa na ituwid mo ang mga depekto o pagkakamali.

Pero itong mga traffic enforcer, kung may nakita silang mali, walang sali-salita at titiketan ka na lang.

Pinag-aaralan natin ito, Suki, at may natagpuan tayong mga dahilan ng pagkakaiba ng mga ito.

Itong mga taga-LTO ay matagalan ang empleyo sa gobyerno at kung makasuhan ang mga ito, babay na ang kanilang mga pensyon at benepisyo.

Pero itong traffic enforcers, kung nagpalit ang mayor, nagbababay na rin sila at wa na silang kita.

Kaya naman, higit na lumalagay sa mas mahusay na pakikitungo kay Juan ang mga taga-LTO kaysa ang mga traffic enforcer.

oOo

Pero may kakaibang sukatan sa pablik serbis ng mga ito.

Sino ang higit na dinadale ng “riding in tandem”: taga-LTO o traffic enforcer? Kayo na ang sumagot, Suki.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply