Ang migraine

ANG migraine ay isang common type ng headache (sakit sa ulo) na nangyayari kasabay ng sintomas gaya ng nausea, vomiting, o sensitivity sa ilaw. Sa maraming taong sinusumpong ng migraine ay nakararamdam ng sakit sa isang parte lamang ng ulo.

Sa ibang tao na nagkakaroon ng migraines ay may warning symptoms, na tinatawag na “aura,” bago magsimulang maranasan ang aktuwal na pagsakit ng ulo.

Ang aura ay isang grupo ng sintomas na usually ay nakaka-vision ng disturbances, na nagsisilbing warning sign na mararanasan ang isang matinding sakit ng ulo. Gayunman, maraming tao ang hindi nakararanas ng ganitong warning.

Sintomas

Ang vision disturbances, o aura, ay kinokonsidera na “warning sign” na paparating na o makararanas ng migraine. Ang aura ay nagaganap sa parehong mata at maaaring involve ang isa o lahat ng mga nakasaad sa ibaba:

* Pansamantalang blind spot
* Blurred vision
* Eye pain
* Nakakikita ng mga bituin o zigzag lines
* Tunnel vision

Hindi lahat ng taong may migraines ay may aura. Yung mga mayroon, ay kadalasan na, nade-develop ng isang 10-15 minuto bago ang headache. Ngunit, ito ay maaaring mangyari ilang minuto hanggang 24 hours bago ang headache.

Ang migraine headaches ay pwedeng “dull o severe.” Ang nararanasang sakit ay maaaring maramdaman sa likod ng mata o sa likod ng ulo at leeg.

Sa maraming pasyente, ang sakit ng ulo ay nagsismula sa magkabilang bahagi (side). Ang sakit sa ulo ay kadalasang:

* Makakaramdam ng throbbing, pounding, o pulsating
* Worst sa isang side ng ulo
* Magsisimula sa bahagyang masakit hanggang sa maging worse sa loob ng ilang minuto hanggang ilang oras.
* Maaaring tumagal ng anim hanggang walong oras

Iba pang sintomas na maaaring maganap kasama ang sakit sa ulo ay:

* Chills
* Ihi ng ihi (increased urination)
* Fatigue
* Kawalan ng ganang kumain (loss of appetite)
* Nausea at vomiting
* Pamamanhid at panghihina
* Hindi maka-concentrate at hirap na maapuhap ang mga salita na nais na sabihin.
* Sensitive sa ilaw at sa tunog
* Pagpapawis

Ang mga sintomas naman na maaaring manatili kahit na wala na o tapos na ang migraine ay:

* May pakiramdam na “mentally dull,” na tipong ang pag-iisip ay hindi klaro o sharp.
* Pagtaas ng pangangailangan ng tulog.
* Sakit sa leeg

Sanhi at ang risk factors

Maraming tao ang nagkakaroon ng nmigraine. Ayon sa ulat ng Yahoo, 11 sa 100 tao ay nagkakaroon ng sakit na ito.

Ang headaches ay unang nararanasan sa pagitan ng edad na 10 at 46.

Occasionally naman, ang migraines ay maaaring maganap “later in life” sa isang tao kapag siya ay walang history ng nabanggit na headaches.

Ayon rin sa mga eksperto, ang migraines ay nagaganap sa mga babae kaysa sa mga lalaki, at posibleng dumadaloy sa buong pamliya.

Sa mga babaeng may migraine, kapag sila ay buntis ay kakaunti lang ang sumpong nito. Kakaunti ang atake nito lalo na kapag nasa last two trimesters ng pagbubuntis.

Ang migraine ay sanhi ng abnormal na aktibidad ng utak, na nati-trigger ng stress, ilang pagkain, ilang environmental factors, o iba pa. Gayunman, ang “exact chain of events” ay nananatiling hindi malinaw (unclear).

May ilang pag-aaral noon na kung saan ang mga scientist ay naniniwala na ang migraines dahil sa pagbabago ng blood vessels sa utak.

Sa kasalukuyan, maraming medical experts ang naniniwala na ang atake ay talagang nagsisimula sa utak mismo, kung saan involve ang various nerve pathways at kemikal. Ang pagbabago ay nakaaapekto sa blood flow sa utak at surrounding tissues.

Ang pag-atake ng migraine ay maaaring ma-trigger ng:

* Alkohol (inumin)
* Allergic reactions
* Bright lights
* Ilang amoy (odors) at perfumes
* Pagbabago sa hormone levels (na maaaring maganap habang ang babae ay nasa menstrual cycle o gumagamit ng birth control pills)
* Pagbabago ng sleep patterns
* Ehersisyo
* Malalakas na ingay at tunog
* Nalipasan ng gutom o naka-skip ng meals
* Nakararanas ng pisikal at emosyunal na stress
* Paninigarilyo o madalas na nae-expose sa mga naninigarilyo

Sa ilang tao ang migraine ay maaaring ma-trigger ng pagkain o presensya ng preservatives sa pagkain. Ang food-related triggers ay kinabibilngan ng:

* Kahit na anong processed, fermented, pickled o marinated na pagkain.
* Mga baked goods
* Chocolate
* Dairy products
* Pagkain na mayroong monosodium glutamate (MSG)
* Pagkain na mayroong tyramine, kung saan kasama ang red wine, aged cheese, smoked fish, chicken livers, figs, at ilang (certain) beans
* Prutas (avocado, banana, citrus fruit)
* Mga karne na mayroong nitrates (bacon, hot dogs, salami, cured meats)
* Nuts
* Sibuyas
* Peanut butter

Ang listahan ay maaaring hindi pangkalahatan.

Totoo na ang migraine headaches ay hindi dahil sa brain tumor o iba pang seryosong problemang medikal. Ngunit tanging ang mga health care experts ang maaaring mag-provide o makadetermina kung ang sintomas na nararansan ay dahil sa migraine o iba pang kondisyon. Mas makabubuting magpasuri upang malaman ang tunay na kalagayan at upang mabigyan ng tamang atensyong medikal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply