Ang nakabibilib na kasariwaan ni Beth Tamayo… bow!

KASABAY ng celebrity screening ng “A Mother’s Story” ni Pokwang sa Trinoma last Sunday, January 8, ang opening ng kaniyang movie in theaters nationwide. Nasa Trinoma kami last Sunday sa screening na dinaluhan ng dose-dosenang artista at masayang ibinalita ng AdProm at ni EJ Salut na pinipilahan ang movie tungkol sa buhay ng isang OFW na piniling iwanan ang pamilya sa Pinas kapalit ng isang masaganang buhay.

Andaming pusong naantig sa loob ng Trinoma lalo na ang mga kababaihan na nakaka-relate sa buhay ni Medy (role ni Pokie), na nag-TNT sa Amerika dahil sa kanilang kahirapan.

Bukod sa pinapalakpakang dramatic moments ni Pokie sa A Mother’s Story, bibilib ka rin sa walang-kupas pa ring ganda at akting ni Beth Tamayo. Mukhang gamay na gamay ni Beth ang klima sa Amerika kaya’t mas bumata pa ang itsura nito kumpara noong naririto pa siya at namumroblema sa buhay.

Tatakbo hanggang January 24 ng taong ito ang showing ng movie distributed by Star Cinema dahil isusunod ang My Cactus Heart na pagbibidahan naman nina Matteo Guidicelli, Maja Salvador at Xian Lim.

***

ANG “My Cactus Heart” ay ibinase sa katotohanang ang pag-ibig ay parang cactus na punumpuno ng tinik, and yet many believes na ito ang sukatan ng true love. Kung mapagtitiisan mo ang tinik ng pag-ibig at malusutan mo ang pagsubok na handog nito, then, it must be love, ‘ika nga.

Pahayag ng Star Cinema sa movie due for showing on January 25th, “Tungkol ito sa isang babae (Maja as Sandy) na mula sa magulong pamilya. She doesn’t believe in happily ever after. Tanggap n’ya at naniniwala s’ya na love only hurts kaya she is known to be a chronic mambabasted!”

Sey pa ng Star Cinema AdProm, “This is Maja at her best!” ‘yan ang sabi diumano ng mga nakapanood na ng rushes ng pelikula.

Hindi raw katakataka since alam naman nating isa si Maja sa most talented actresses we have in our midst. Maja is so versatile! She can do drama, comedy, horror, romance. Kung talent ang pag-uusapan, hindi madedehado si Maja r’yan!

As for Matteo, it’s his first starring role.

We have all seen him in his past teleseryes too and he has indeed proven that he is more than just a pretty face. As Karlo, we can now all see why Matteo could just be the next important male lead star! Introducing naman sa pelikula si Xian Lim, currently the IT BOY of Primetime Bida. Xian’s brooding stance made us all notice that he’s got the “it” and he deserves a second look! He plays the role of Bene, one of the two men who will try to win over Sandy’s heart. Now, Karlo or Bene? Sino sa kanila ang makakapagpabago kay Sandy? Who can make her believe that there is happily ever after?

Exciting love story, fresh casting combination! ‘Yan ang My Cactus Heart. Directed by Enrico Santos, the movie opens nationwide in over 100 theaters on January 25. Eto na ang pinakamatinik na love story ngayong 2012!

***

MAY natanggap kaming text from Willie Fernandez, who’s a die-hard Vilmanian. Nabasa raw nito sa internet ang balita mula sa US News sa Las Vegas and it says, “Governor Vi (Vilma Santos-Recto) was cited by the Batangas SP in recognition of her excellent performance and also commended her for the award the province from DILG citing Batangas as among the 10 province in the Philippines with clean and transparent performance. She was presented The Seal of Good Housekeeping and a plaque of recognition,” ayon sa padalang mensahe ni Willie.

Pahabol pa ni Willie, dahil sa magandang serbisyo ni Ate Vi, lumalakas raw ang posibilidad na ang aktres-pulitiko ang kakatawan sa pagkabise-presidente sa taong 2016.

Kung matutuloy ang clamor for ate Vi’s vice-presidential position, tiyak na marami siyang makakabangga including Senator Bong Revilla na balitang sa pagkabise-presidente din ang tatakbuhin sa susunod na national elections sa 2016.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply