Ang paglilitis kay SC Chief Justice Renato Corona

NGAYON ang unang araw ng paglilitis kay Supreme Court Justice Renato Corona na magsisimula mamayang alas-dos ng hapon sa Senado.

Pinagtibay ng Kamara de Representantes ang walong Article of Impeachment laban kay Corona, sa botong 188 mula sa kabuuang 284 kongresista, noong Disyembre 12, 2011.

Sa kasaysayan ng Pilipinas masasaksihan ang kauna-unahang impeachment trial sa isang punong mahistrado.

Buod ng impeachment complaint

ARTICLE 1. Betrayal of public trust – Ito ay dahil sa umano’y mga desisyon ni Corona na laging pabor kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo mula noong mahistrado pa lamang siya hanggang maitalagang punong mahistrado sa pamamagitan ng tinatawag na “midnight appointment.”

Si Corona ay itinalaga ni dating Pangulong Arroyo bilang chief justice noong Mayo 12, 2010, gayong batay sa Article 7, Section 15 ng Saligang Batas,  bawal na ang mga presidential appointment dalawang buwan bago ang halalan.

ARTICLE 2. Culpable violation of the Constitution at/o betrayal of public trust — Ito ay dahil sa hindi pagsusumite ni Corona ng kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) na itinatakda ng 1987 Constitution.

ARTICLE 3. Culpable violation of the constitution at betrayal of public trust — Ito ay dahil sa umano’y pagkabigo ng punong mahistrado na makamit at i-observe ang katangian ng isang miyembro ng hudikatura na itinatakda ng Article 8, Section 7 ng Konstitusyon.

Nakasaad dito na: “a member of the judiciary must be a person of proven competence, integrity, probity, and independence.”

Nagkaroon umano ng pabago-bagong desisyon si Corona sa ilang kontrobersyal na kaso, kasama na ang pagkakatalaga sa kanyang asawa sa public office.

ARTICLE 4. Betrayal of public trust at/o culpable violation of the Constitution– Ito ay matapos na hayagang balewalin ang “principle of separation of powers” nang magpalabas ng “status quo ante order” laban sa Kamara de Representantes kaugnay ng impeachment case ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez.

ARTICLE 5. Betrayal of public trust– Ito ay matapos balewalain ni Corona ang “principles of res judicata” o “immutability of final judgments” nang sumang-ayon siya sa pagbuo ng 16 na bagong siyudad para paboran ang isang pulitiko at pag-elevate sa Dinagat Island bilang isang lalawigan.

ARTICLE 6. Betrayal of public trust– Ito ay makaraang bumuo ang punong mahistrado ng Ethics Committee para siyasatin si Associate Justice Mariano del Castillo sa kaso nitong plagiarism, gayong kapangyarihan ito ng Kamara de Representantes.

ARTICLE 7. Betrayal of public trus- Ito ay matapos na payagang maka-biyahe sa abroad si dating Pangulong Gloria Arroyo at asawa nitong si Atty. Jose Miguel Arroyo sa pamamagitan ng paglalabas ng temporary restraining order (TRO) sa watch list order ng Department of Justice (DOJ).

ARTICLE 8. Betrayal of public trust at graft and corruption — Ito ay dahil sa kwestyunableng paggamit ng judiciary development fund (JDF) mula sa docket fees, gayundin ang special allowances for the Judiciary (SAJ).

Bumubuo sa House prosecution panel

Iloilo Rep. Niel Tupas, Jr. – Siya ang chairman ng House committee on justice at pinuno ng impeachment team.

Tatayo siya bilang secondary prosecutor sa 1st Article of Impeachment.

Northern Samar Rep. Raul Daza – Ang House deputy speaker ay tatayong lead prosecutor sa 1st Article of Impeachment at secondary prosecutor sa ika-7 Article of Impeachment.

Nagsilbi si Daza bilang deputy minister ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) noong 1986-1987 at commissioner ng Preparatory Commission on Constitutional Reforms taong 1999.

Bayan Muna Rep. Neri Colmenares – Ang lead prosecutor ng 7th Article of Impeachment.

Tatayo siya bilang secondary prosecutor ng 1st Article of Impeachment.

Pangasinan Rep. Marilyn Primicias-Agabas – Siya naman ang lead prosecutor sa 2nd Article of Impeachment at secondary prosecutor sa 5th Article of Impeachment.

Siya ang chairperson ng House Committee on Revision of Laws.

Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. – Magsisilbing lead prosecutor ng 5th Article of Impeachment.
Tatayo bilang secondary prosecutor ng 2nd Article of Impeachment.

6. Isabela Rep. Giorgidi Aggabao – Tatayo bilang lead prosecutor ng 3rd Article of Impeachment at secondary prosecutor naman ng 8th Article of Impeachment.

Akbayan Rep. Arlene Kaka Bag-ao – Ang lead prosecutor ng 4th Article of Impeachment at secondary prosecutor ng 3rd Article of Impeachment.

Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas – Tatayo bilang lead prosecutor ng 6th Article of Impeachment.

Siya ang vice chairman ng House committee on justice.

Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali – Siya ang tatayong lead prosecutor ng 8th Article of Impeachment at secondary prosecutor ng 4th Article of Impeachment.

Cibac Rep. Sherwin Tugna – Tatayong secondary prosecutor ng 3rd Article of Impeachment at secondary prosecutor ng 6th Article of Impeachment.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply