Ang taxikick.com

INISNAB ka na ba ng taxi driver na iyong pinara? O kaya naman ay lagi ka hiniritan ng extra bayad ng nasakyang taxi? Kung oo ang sagot mo, ay don’t worry no more dahil inilunsad na ang website kung saan maaaring magreklamo laban sa mga abusadong taxi driver. Effort lang ang kailangan upang mapanagot ang mga salbaheng taxi driver na yan!

Magandang balita! Nakahanap na ngayon ng katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa kanilang kampanya laban sa mga abusadong taxi driver matapos ilunsad ng dalawang pribadong indibidwal ang isang website na pwedeng paglagakan ng mga reklamo laban sa mga ito.

Batay sa ulat, ang magkaibigang sina Jefferson Rosende at Benedict Aluan ang gumawa ng website na tinawag nilang taxikick.com kung saan pwedeng ipadala ang mga reklamo ukol sa pangit na karansan o nakaranas ng pang-aabuso ng mga taxi driver.

Lumang isyu na ang pang-iisnab, paghingi ng dagdag na bayad, hindi pagbibigay ng resibo at pagpapatakbo ng mabilis ng maraming taxi driver dito sa bansa, kaya heto ang bago ngayon, maaari nang magsumbong online.

Okey ito, lalo na at uso na ngayon ang internet at mga online site. Matutulungan tayo ng website na ito upang maiparating sa mga kinauukulan ang mga pag-abuso na ginagawa ng ilang pasaway na taxi drivers.

Paraan:

Mag-mag-log in sa www.taxikick.com gamit ang computer. Fill-up-an ang mga impormasyong hinihingi sa site gaya ng ilang detalye tulad ng plate number ng taxi (tandaan ninyo ito, mahlaga ito), pangalan ng taxi company at ilagay ang oras at lugar kung saan naganap ang tingin mo’y pang-aabuso ng taxi driver sa iyo.

Ang taxikick.com ang magpapadala ng mga kopya ng reklamo sa LTFRB at tatlong enforcement agency tulad ng Land Transportation Office (LTO), Metro Manila Development Authority (MMDA) at Highway Patrol Group.

Kung nais na tuluyang mapanagot ang abusadong taxi driver ay pinayuhan ni LTFRB Chairman Atty. Jaime Jacob, na maglaan ng oras at dumalo sa hearing para harapang masagot ng tsuper at operator ang reklamo mo. Dagdag pa ni Jacob, maraming hindi naaaksyunang reklamo dahil wala ang complainant.

Para naman doon sa mga hindi masyadong nag-i-internet ay maaari pa ring ipadala ang reklamo sa hotline numbers ng LTFRB na 02-4262575 at 02-9257191, gayundin sa e-mail address na complaint@ltfrb.gov.ph.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply