Anim buwan kulong kay Bedol tatapusin muna

BAGO magdesisyon kung saan ikukulong si dating Maguindanao election supervisor Lintang Bedol, patatapusin muna ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) ang anim na buwang pagkaka-detine nito matapos mapabilang sa sinampahan ng kasong electoral sabotage.

Matatapos sa Enero 19 ang anim na buwang hatol ng Commission on Election (Comelec) sa kasong indirect contempt laban kay Bedol matapos lumutang sa kanyang isang taong pagtatago noong Hulyo 19, nagdaang taon. Nakadetine si Bedol sa Custodial Center ng PNP sa Camp Crame matapos siyang sumuko.

Si Bedol, kasama sina dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan, Sr. ay sinampahan ng kasong electoral sabotage ng joint panel ng Comelec at Department of Justice matapos makakita ng sapat na ebidensiya ng pagsasabwatan noong 2007 election upang masiguro ang 12-0 panalo ng Team Unity.

Kanina ay humarap sa sala ni Pasay RTC Judge Jesus Mupas ng branch 112 ang abogado ni Bedol na si Atty. Reynaldo Princesa kaugnay sa pagdinig sa isinampa nilang mga mosyon na humihiling na suriin muna kung may matibay na ebidensiya ang tagausig laban sa kanyang kliyente para sampahan ng kasong electoral sabotage, isa pang mosyon na humihiling na bawiin ang warrant of arrest at hirit na makapaghain sila ng kaukulang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng dating opisyal.

Nagpasya naman si Mupas na resolbahin muna ang inihaing mosyon na humihiling na suriin kung may matibay na ebidensiya sa pamamagitan ng pagbibigay ng 10-araw sa tagausig na magbigay ng kanilang komento sa naturang kahilingan.

Sa oras na makapagbigay ng komento ang tagausig, bibigyan naman ng 10-araw ng korte ang kampo ni Bedol na tumugon sa naturang komento bago maglabas ng resolusyon sa naturang mosyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply