Ano raw ‘yung sinabi ni Enrile? ‘Hostayl wetnes’

ANO raw yun, yung sinabi ni Manong Johnny Enrile?

Ah, ewan. Hostayl wetnes daw.

Ano yun?

Malay ko, sila-sila lang naman ang nagkaintindihan.

Naku, hayaan na lang natin sila.

Tara, magbingo na lang tayo.

Baka makadyakpat pa. Sayang din ang otsenta (P80).

Ito ang narinig natin, Suki, sa ating mga kapitbahay na misis na nag-aantay ng kanilang mga mister mula sa trabaho.

Hindi natin natanong kung kasali sila sa limos ni Inday Dinky sa  Conditional Cash Transfer.

Basta ang nakikita natin, pag tumataya sila sa Bingo, tig-P25 o P50 kaya ang taya sa bawat kard.

oOo

Pumasok tayo sa trabaho, nagtraysikel.

Aba, sa pilahan, may pinanonood ang mga drayber sa tv. Hindi impeachment kundi si FPJ!

Akala ko, Suki, interesado sila sa nangyayari sa Senado.

Noon yun, ‘di na ngayon!

Bakit?  Hindi  umano  nila naiintindihan ang mga pinagsasabi ng mga kongresman at ni Cuevas.

Basta malinaw lang umano na may P70 milyong pork barrel ang mga kongresman.

At milyonaryo naman sina Corona at Cuevas.

Sila? Hapi na ang nagbabawndari kung may matitirang P150 sa maghapon nilang pamamasada.

Kung bakit naman daw kasi naging P600 ang pul tank nila sa traysikel na dating hindi naman ganun ang gastos sa gasolina.

oOo

Nagdyip tayo.

Aba, nilagpasan ang nagpaparang matanda.

Estudyante…nilagpasan din.

Bakit? Lugi kami, sabi ng drayber.

Ang mahal-mahal na ang disel, may 20 porsyento pang diskawnt ang mga yan.

Tanong: Nanonood ba kayo ng impitsmen?

Sagot: Magugutom ka lang diyan!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply