Anomalya sa PhilHealth iimbestigahan ng NBI

TUTULONG na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) para maimbestigahan ang anomalya sa multi-million contribution ng isang business process outsourcing company.

Nabatid na nagpasaklolo na ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) sa naturang ahensya upang mapadali ang pagresolba sa nangyaring anomalya.

Ayon sa report, nawawala umano ang kontribusyon ng may 24,000 empleyado ng Accenture na nagkakahalaga ng P114 milyon.

Dahil dito, sinibak ng pamunuan ng Philhealth ang lima nilang tauhan matapos na ‘di umanoy pagmaniobra sa kanilang database.

Kaugnay nito, sinabi naman ng Accenture na makikipagtulungan sila sa gagawing imbestigasyon ng mga awtoridad. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply