Antala sa impeachment trial nakababahala

IKINABABAHALA ni Senador Edgardo Angara ang posibleng epekto ng patuloy na pagkabimbin ng isinasagawang impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona.

Aniya, ang patuloy na pagkaantala ng paglilitis ay nagbibigay na ng pagdududa sa publiko.

“Further delays in the process will have divisive effects on the public. People will begin to take sides,” diin ni Angara.

Iginiit ng senador na marapat lamang na kumilos ang impeachment court dahil ang inaakusahan dito ay ang tagapag-ingat ng hustiya dahil sa korupsyon na hindi dapat mabimbin ang paglilitis dahil ang magiging kapalit nito ay ang kawalan ng tiwala ng taumbayan.

Gayunpaman, inamin ni Angara na ang paglalahad ng mga ebidensiya ay hindi sapat para i-convict ang Chief Justice dahil kailangan pang mapatunayan ito.”

“This in-between is fertile ground for Senator-Judges to map out. We must navigate carefully to bring out the truth and to do so fairly. I haven’t come to any conclusions yet; the bits and pieces presented so far are still too small to form a critical mass,” paliwanag ni Angara.

Naniniwala ang senador, ang ikalawang linggo ng paglilitis ay magiging mas produktibo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply