Anti-bullying Act pasado na sa Kamara

PASADO na sa House of Representatives sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang anti-bullying act of 2012 o pagiging hambog o paglapastangan sa kapwa lalo na sa hanay ng mga kabataan na nasa elementarya at high school.

Nakasaad sa House Bill 5496 na gawing requirement sa lahat ng elementary at secondary schools ang pagpapatupad ng polisiya upang maiwasan ang pagsasabi o aksyon ng pagiging hambog o paglapastangan sa pagkatao.

Hiniling ng House Committee on Basic Education and Culture sa chairmanship ni Rep. Salvador Escudero III (1st District, Sorsogon) ang pagsalang sa pagpasa sa plenaryo ng nasabing panukala upang maipatupad na rin sa mga eskwelahan.

Ang mga detalye ng anti-bullying policies ay kailangang mai-post sa mga school website at sa mga dingding ng mga eskwelahan.

Mahalaga aniyang makapagsumite ang mga eskwelahan ng kanilang anti-bullying policies sa Department of Education sa loob ng anin na buwan sa sandaling maging ganap ang nasabing batas.

Ang lahat ng school-related bullying incidents ay dapat ireport sa division superintendents na siya namang mag-report sa Secretary of Education.

Maituturing na bullying ang sobra o paulit-ulit na paglapastangan sa pamamagitan ng pananalita at electronic expression, na aksyon o kilos at pinagtulungan ng isa o mahigit sa dalawang estudyante na direktang nakaapekto at pagkapahiya ng isang biktima nito.

Kabilang sa co-authors ng panukala sina Reps. Christopher Co (Party List, AKO BICOL), Rodel Batocabe (Party List, AKO BICOL), Alfredo Garbin, Jr. (Party List, AKO BICOL) at Juan Edgardo Angara (Lone District, Aurora).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply