Anti-illegal drugs tanggalin na sa PNP

PANAHON na sigurong  alisin sa Philippine National Police (PNP) ang anti-illegal drugs dahil ito ang nagtutulak sa mga pulis para makapangotong at sa halip ay ipaubaya na lang ang may kinalaman sa droga sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Ang droga ang isa sa mga pinagkakakitaan ng  malaki ng ating mga kapulisan dahil daang libo hanggang sa milyong piso ang kanilang hinihingi sa  kanilang mga nahuhuli lalo na ‘pag alam nilang may sina-sabi ang kanilang  nahuli.

Bakit hindi na lang ipaubaya sa PDEA ang panghu-huli ng droga dahil ang PDEA naman talaga ang may karapatan pagdating sa illegal drugs na tulad ng shabu, marijuana, ecstacy at iba pa.

Alam naman ng lahat mula sa pinakamataas na puwesto sa PNP na ang droga ang isa sa mga dahilan kung bakit  nagiging corrupt ang ating mga kapulisan.

Kung minsan naman, kapag mayaman ang isang tao ay kanilang  huhulihin at tataniman ng ebidensiya at doon ay kanilang hihingan ng malaking halaga.

Kapag hindi nakapagbigay ng pera ito ay kanilang tatakutin na kakasuhan ng Section 5 at 11 ng batas sa droga na nagtatakda ng kawalan ng piyansa.

Kawawa naman ang mga nabibiktima ng mga walanghiyang pulis  na ito.

Okey lang kung ang mabibiktima ay  mayaman at maraming pera pero paano kung isang kahig. Isang tuka lang din?

Katulad ng  ginawa ng mga taga-District Anti-Illegal Drugs (DAID) ng Manila Police District (MPD)  nang hinuli nila ang  isang ginang at dinala sa kanilang tanggapan sa UN Avenue sa Maynila noong nakalipas na Enero 12 ng taong kasalukuyan. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply