Aquino administration ‘di manunuhol

MARIING ipinahayag ng Aquino administration na hindi nila gagamitin ang pork barrel para mabili ang desisyon ng mga senador at mahatulang guilty si Supreme Court (SC) chief Justice Renato Corona.

Nauna rito, umalma ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) matapos lumabas ang balitang gagamitin ang pork barrel para matiyak ang conviction kay Corona.

Mariing itinanggi rin ni Budget Sec. Butch Abad  ang kumakalat na impormasyong maliban sa pork barrel ay maaring gagamitin din ang bilyong pisong road users’ tax para umano suhulan ang mga senador.

Pero iginiit ni Abad, senior political adviser ng Pangulong Aquino, hindi nila gawain ang kalakaran sa nakaraang administrasyon na ilang beses umanong nabisto sa panunuhol ng mga kongresista at paglustay sa pondo ng bayan.

Samantala, pagkakataon umano ni Corona na linisin ang kanyang pangalan ang impeachment trial na magsisimula ngayong araw sa Senado.

Sinabi ni Abad, magkakaalaman sa paglilitis kung paano sasagutin ni Corona ang mga alegasyon at ebidensyang ihaharap ng prosekusyon.

Ayon kay Abad, igagalang nila anuman ang magiging kapasyahan ng mga senator-judges, guilty man o absuwelto si Corona. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply