Araw ng sesyon sa Senado, binago

NAGKASUNDO ang Senado na baguhin ang session days sa plenaryo upang matugunan ang panngangailangan sa pagsasabatas na tila nasasapawan ng impeachment trial kay Chief Justice Renato Corona.

Sa ginanap na sesyon nitong Martes, nagkasundo ang Senado na itakda tuwing Martes at Miyerkoles ang session days upang tuparin ang tungkulin ng Senado na mabilis na gumawa ng batas kasabay nang pagtupad sa tungkulin bilang impeachment court.

Ipinanukala nina Sen. Pia Cayetano at Loren Legarda ang pagbabago sanhi ng pananaw ng ilan na tila nakakaligtaan ng Senado ang tungkulin nito bilang lehislatura.

Lilitisin naman ng Senado bilang impeachment court si Corona mula Lunes hanggang Huwebes at itinakda naman ang araw ng Biyernes bilang motion and pleadings day. Ernie Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply