Arce-Donaire malabong magkaharap

MALABONG makaharap ni multi-division world champion Jorge “Travieso” Arce si Nonito Donaire ngayong taon.

Ito ay dahil ayon sa ulat, mahina ang mga promoter na may hawak sa kanya ngayon.

Pangarap sana ni Arce na makasagupa ang mananalo sa laban nina Donaire at Wilfredo Vazquez Jr. para sa kanyang dating WBO super bantamweight world title.

Katunayan, para pag-aralan ang galaw ni Donaire ay manonood ito sa laban ng dalawa.

Sa February 18, si Arce ay maaaring mabigyan lamang ng ten-round bout sa Durango, Mexico dahil hindi ito makahanap ng isang world-rated challenger para isagawa ang first defense ng hawak niyang WBO bantamweight title.

Una nang tinanggihan ng WBO ang challengers na sina Lorenzo Parra, Giovanni Andrade at William Prado dahil sa pagiging underrated.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply