Archdiocese ng Capiz, pormal nang itinalaga

PORMAL nang itinalaga bilang bagong Archdiocese ng Capiz si Most Reverend Jose F. Advincula.

Si Reverend Advincula ay itinalaga sa pamamagitan ng isang installation service sa Roxas City Metropolitan Cathedral bilang ikatlong Arsobispo ng Capiz at papalit  sa magreretirong si Archbishop Onesimo Gordoncillo.

Ang ginanap na seremonya ay pinangunahan naman ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Giuseppe Pinto.

Dumalo rin sa installation rite ang ilang matataas na opisyal ng Simbahang Katoliko kabilang sina Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Archbishop Jose Palma, Manila Archbishop Emeritus Gaudencio B. Cardinal Rosales, Most Reverend Luis Antonio G. Tagle, appointed archbishop of Manila, Jaro Archbishop Most Reverend Angel N. Lagdameo, Lingayen-Dagupan Archbishop The Most Reverend Socrates Buenaventura Villegas at maraming iba pang obispo at pari.

Nabatid na ipinanganak si Advincula noong Marso 30, 1952 sa Dumalag, Capiz, inordinahan bilang pari noong Abril 14, 1976, na-appoint na obispo ng San Carlos, Negros Occidental noong Hulyo 25, 2001, at inordinahan bilang Obispo noong Setyembre 8, 2001.

Nagtapos ng pag-aaral sa Philosophy at Theology sa St. Pius X Seminary Roxas City at sa University of Santo Tomas Central Seminary sa Manila gayundin ng MA Education (Guidance & Counselling) sa De la Salle University sa Manila. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply