P1 bilyon ilalaan ng ARMM para sa dagdag paaralan

MAGLALAAN ng isang bilyong piso ang pamunuan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) para sa pagpapagawa ng karagdagang mga paaralan sa susunod na taon.

Ayon kay ARMM OIC-Governor Mujiv S. Hataman, hiniling niya sa Department of Education na isumite sa kanyang tanggapan ang talaan ng mga lugar ng rehiyon na karapat-dapat na patayuan ng paaralan.

Isang grupo ang binuo ng gobyerno upang pag-aralan ang sistema sa nasabing adhikain.

Layunin ng nabanggit na programa na maibsan ang kakulungan ng gusaling paaralan ng rehiyon na nagdudulot ng suliranin sa mga mag-aaral dahil nagsisiksikan pa ang mga ito sa maliliit na mga silid-aralan.

Layunin din ng pagpatatayo ng karagdagang paaralan sa ARMM na mapaganda ang pagtuturo ng mga guro sa kanilang mga mag-aaral upang matamo ang de-kalidad na edukasyon.

Ayon kay Hataman, hindi basta-basta lang gagawa ang kanyang administrasyon ng anumang uri ng proyekto sa rehiyon na hindi magbibigay ng pangmatagalang kabutihan sa mga mamamayan ng ARMM. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply