Armscor ‘out’ na sa bidding ng PNP

IDINEPENSA ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang Philippine National Police (PNP) matapos hindi na isinali sa mga susunod na biddilng ang mga baril na ibinebenta ng Arms Corporation of the Philippines matapos bumagsak sa post-qualification testing ng technical working group.

Ani Robredo, nais lamang aniyang makasiguro ng PNP na may kalidad ang gamit nilang baril.

Ayon kay Robredo, mas mainam aniyang higpitan ng PNP ang pagbili nito ng mahigit 12,000 na 9mm na baril kaysa magsisi sa huli at hindi mapakinabangan ang binayaran nito.

Ginawa ng kalihim ang pahayag, sa pag-alma na rin ng kumpanyang Armscor na nakibahagi noong isang taon sa pa-bidding ng PNP.

Sa ilalim ng pagsusuri, kailangang maiputok ng 20,000 beses ang baril ngunit hindi na mapakinabangan pagsapit ng 14,000 rounds.

Sa kabila nito, naniniwala ang kalihim na magiging pulido na ang gagawing pa-bidding ng Department of Budget and Management (DBM) para sa baril ng mga pulis ngayong nadiskubre na ang depekto sa baril na binebenta ng Armscor.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply