Arraignment sa tax evation case ng mag-asawang Mikey at Angela Arroyo ipinagpaliban

IPINAGPALIBAN ng Department of Justice (DOJ) ang pagbasa ng sakdal kay Ang Galing Pino (AGP) Partylist Rep. Juan Miguel “Mikey Arroyo at misis nitong si Maria Angela kaugnay sa isinampang tax evasion case ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ang pagpapaliban ay matapos maghain ng mosyon ang kampo ng mga Arroyo para isuspindi muna ang pagdinig habang nakabinbin sa DOJ ang petition for review na kanilang inihain noon pang Disyembre 16, 2011.

Nakapaloob sa memorandum circular ng DOJ na mayroong 60 araw ang sinuman na maghain ng review sa kagawaran.

Dahil dito, itinakda ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) branch 100 sa Marso 7, 2012 ang pagbasa ng sakdal para mabigyan ng pagkakataonng makapagdesisyon ang DOJ sa inihaing petisyon ng kampo ng mga Arroyo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply