Gloria Arroyo, Abalos babasahan na ng sakdal

BABASAHAN na ng sakdal sa Pebrero 20 ng Pasay City Regional Trial Court s dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, kaugnay sa kasong electoral sabotage na isinampa sa kanya.

Una rito, ibinasura ni RTC Branch 112 Judge Jesus Mupas ang mosyon ni Arroyo na bawiin ng korte ang warrant of arrest laban sa kaniya.

Sa ruling, ipinaliwanag ng huwes na “evidentiary in nature” ang mga argumentong inilatag ng akusado, kung kaya dapat matalakay sa trial proper.

Bagama’t nahaharap sa iba’t ibang kaso, ang scheduled arraignment ng dating pangulo ay kauna-unahan.

Itinakda rin ng korte ang arraignment laban kay dating Commission on Elections Chairman Benjamin Abalos sa Pebrero 13.

Ibinasura rin ng korte ang motion to inhibit na isinampa laban kay Judge Mupas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply