Arsobispo kay PNoy: ‘Tuwid na daan’ ibasura

IMINUNGKAHI ng isang arsobispo ng Simbahang Katolika na abandonahin at tuluyan na lamang ibasura ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang slogan nitong ‘tuwid na daan’ dahil hindi naman umano nito kayang disiplinahin o parusahan ang kanyang mga opisyal.

Ito’y kasunod ng ulat na hindi kayang patalsikin ni Pangulong Aquino si Presidential Adviser for Political Affairs Ronald Llamas, na una nang nabuking na nag-iingat ng matataas na uri ng baril sa kanyang sasakyan at kamakailan lamang ay naaktuhang bumibili ng mga pirated DVD na mahigpit na nilalabanan ng Optical Media Board (OMB).

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dapat nang isantabi ni Pangulong Aquino ang ipinagmamalaki nitong tuwid na daan dahil inia-apply lamang naman niya ito sa maliliit na mamamayan at mga kalaban sa pulitika, ngunit hindi sa kanyang mga kaibigan, kakilala at mga kabarilan (KKK).

“Kapag si Llamas ay untouchable, samakatuwid, ibasura na natin ang isinisigaw na awiting tuwid na daan! Ito ay walang katotohanan! Ito ay hanggang salita lamang! Puwede ba kung ano ang totoo, yun ang gawin lamang,” ayon kay Cruz, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply