Arsobispo sa mga Pinoy: Huwag iasa ang kapalaran sa feng shui

MARIING sinabi ngayon ng isang arsobispo ng Simbahang Katolika na hindi dapat iasa ng mga Filipino ang kanilang buhay at kapalaran ngayong taong 2012 sa feng shui o sa Chinese calendar.

Ayon kay Jaro Iloilo Archbishop Angel Lagdameo, dating pangulo ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), mas higit na dapat pagkatiwalaan ng tao ang Panginoon dahil Siya ang makapangyarihan sa lahat.

Nilinaw naman ng arsobispo na kanyang nauunawaan ang tradisyon na ito ng mga Pinoy na namana sa mga Tsino.

Gayunman, iginiit ni Lagdameo na higit na dapat na pagtuunan ng pansin ng mga Pinoy ang kanilang pananampalataya sa Diyos na nawawala na dahil sa hatak ng sekularismo at maka-mundong gawain.

Ayon pa kay Lagdameo, maaaari namang gawing gabay ang feng shui ngunit dapat na ipaubaya ng mga Pinoy sa Panginoon ang kanilang kapalaran.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply