Article 2 uunahing tatalakayin bukas

DISMAYADO man ang House prosecution panel sa pagkukulang sa ikalawang araw ng paglilitis kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona, hiniling naman ng prosekusyon na unahing talakayin ang Article 2 bukas lalo  at ito anila ang gustong malaman ng publiko.

Ani Tañada, “Wala naman po kasi sa rules na nakasaad kung ano ang dapat na order na susundan. ‘Yan ay maliwanag. Wala po tayong makikita sa rules.”

Pinayagan naman ng impeachment court na magsimula ang prosekusyon sa Article 2 pero tanging computer-generated documents lamang ang kanilang maipiprisinta.

Tiniyak naman ni Tañada na susundin nila ang hiling ng impeachment court na ayusin ang pagkakasunod-sunod ng walong articles of impeachment at sisimulan aniya nila ito sa pagtalakay ng Article 2.

Panatag naman ang prosekusyon na sa kabila ng mga nangyari, hindi nabawasan ang kanilang kompiyansang maipapanalo ang laban.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply