ASG na may P.3-M patong sa ulo arestado

DAKIP ang isang high profile Abu Sayyaf member na may reward na P350,000 kaninang madaling-araw sa Basilan.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., naaresto sa isinagawang police operation si Harun Jaljalis, alyas Indal sa Sitio  Malvar, Barangay Mahayahay Maluso, Basilan.

Si Jaljalis na sangkot sa kidnapping at murder ay nadakip kasunod ng pagkakaaresto sa isa pang miyembro ng ASG nitong mga nakalipas na araw.

Nabatid pa na sangkot ang suspek sa pamumugot ng ulo ng isang magsasaka ng Golden Harvest plantation sa Tairan Village, Lantawan, Basilan noong Hunyo 2001 at kidnapping sa may 50 elementary school children and teachers sa Tumahubong, Basilan.

Si JalJalis  ay inaresto sa bisa ng ipinalabas na warrant of arrest ni Hon. Judge Danilo Bucoy ng Branch 1 RTC 9 Basilan ng pinagsanib na puwersa ng intel 3rd air div, NISG wm, pctc, marçc, riu9, rid9, 14 sfcunder 104 bde, and 54 n 55 saf PNP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply