Ate Vi pinagkaguluhan sa induction ng officers ng PMPC sa R Bistro!

ISANG malaking pasasalamat kay Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa paglaan ng oras sa induction ng bagong officers ng PMPC na kung saan ay Pangulo ang inyong lingkod. Kahit ang isa sa owner ng R Bistro, Timog na si Jhon Pamintuan ay nagpapasalamat din dahil ang resto-bar nila ang napiling venue ng okasyon sa dinami-rami ng restoran na pagdadausan. Binigyan din si Gov Vi ng award ng Bulgar sa pangunguna ng Entertainment Editor na si Janice Navida.

Tulad ng inaasahan, pinagkaguluhan nga si Batangas Governor and Star for All Seasons Vilma Santos dahil inilaan niya ang kanyang buong maghapon sa club.

Isa sa napag-usapan ay ang tungkol sa paghu-host ng anak niyang si Luis Manzano ng Deal or No Deal.

Originally, si Kris Aquino ang host nito pero dahil tinanggihan na nga ng actress-TV host to give way to her new teleserye with Anne Curtis, si Lucky na ang pumalit sa kanya.

Inamin ni Ate Vi na talagang tinanong niya si Kris kung totoong hindi na siya ang maghu-host ng Deal or No Deal at si Luis na nga.

“Ah, oo, kasi nang mabalitaan ko na si Lucky (nickname ni Luis) na at hindi na si Kris, nag-text ako sa kanya muna, tinanong ko if it’s true na hindi na ikaw at si Lucky.

“So, sabi niya, ‘yeah, si Lucky na,’ in fact, nu’ng tinanong yata siya kung sino sa tingin niya ang puwedeng pumalit sa kanya, binanggit niya si Lucky.”

Ano ang naging reaction ni Luis nang i-offer sa kanya ang show?

“Excited ang anak ko kasi feeling niya, that’s one step up sa pagiging host niya. In fact, I’m praying for him kasi hindi biro ’yan. Para maging host ka ng ganyang show, kailangan, unang-una, credible ka.

“Pangalawa, you should be good, kailangan, mabilis ka, kasi live ’yan, eh, saka it’s a game show. It’s not just ordinary hosting. So, I’m excited for my son, I’m praying for him na sana, he’ll do good ’pag nag-host na siya ng Deal or No Deal,” say pa ni Ate Vi.

Pero kung siya ang tatanungin, saan ba niya gustong malinya si Luis, sa hosting o sa acting?

“Actually, both. Naging successful siya sa hosting, no doubt. In fact, ang PMPC, ’yun ang pinakamaraming binigay sa kanyang recognitions. And I’m very thankful.

“Pero alam ko, deep in me as a mother at sa pag-uusap naming dalawa, gusto rin niyang maging artista at gusto niyang mabigyan ng isang magandang break sa pelikula kung saan aktor siya at hindi host.

“Isa ’yan sa dreams ng anak ko,” sambit pa ni Gov Vi.

Tinanong din siya kung kakayanin pa niyang maglaro sa Deal or No Deal, aniya, “why not” pero baka naman daw maintriga pa sakaling manalo siya.

Natanong din ang tungkol sa natsitsismis na pagpasok ni Luis sa politics in the near future. May balita kasing lumulutang na maraming nag-aalok sa aktor-TV host para tumakbong mayor ng Lipa, Batangas, na matatandaang dating posisyon ni Ate Vi bago naging governor ng lalawigan.

“Si Lucky, maybe later on. Ayokong magsalita nang tapos, kasi hindi ko alam. Pero kung iisipin natin ang next year na election, I doubt it. Hindi pa ready ang anak ko. Kasi, sa eksperyensiya ko, naniniwala akong hindi ito puwedeng basta-basta.

“Una, oo, kasi artista ka. But later on, gegreydan ka rin as a public servant. Hin- di biru-biro ito. You preside a meeting, talking about issues, kung hindi mo alam ’yun, eh, mukha ka namang ano naman. At the end of the day, ’yung report card mo pa rin ang importante, hindi lang sa pangalan.”

Eh, paano naman kung mauna ang pag-aasawa kesa pagpasok sa politics?

Natawa si Ate Vi.

“Hindi ko alam. Whatever,” aniya pa.

So far, wala pa naman daw sinasabi ang anak niya about getting married although aminado siyang alam niyang maligaya ito.

“Masaya siya, masaya ang anak ko. Ang pinaka-importante lang naman, nakikita kong masaya sila. And I’m happy for them. And Jen (Jennylyn Mercado, Luis’ GF) naman is such a nice lady. Very respectful.

“Hindi naman ako kasi puwedeng maging isang taong mapanghusga dahil ang buhay ko rin naman, hindi diretso, eh. You get me? Marami ring taong umunawa sa akin, that’s why I’m here.

“Hindi naman lahat ng buhay ko, maganda rin, ah, ’di ba? May mga palpak din akong nagawa. But how come I have a good life now? Kasi may mga taong tumanggap din sa akin.

“And ganu’n din ang tingin ko sa ibang tao. Hindi ako pwedeng manghusga.”

At present, ginagawa ni Ate Vi ang pelikulang “The Healing” under Star Cinema kasama si Kim Chiu at excited daw siya na makatrabaho ang nasabing young actress.

Natanong sa kanya kung paano na ang matagal nang planong movie nila ni Sharon Cuneta at aniya, gustung-gusto pa rin niya itong matuloy and hopefully, in the near future, mangyari sana.

‘Yun na!

-0o0-

AMINADO si Toni Gonzaga na napalapit si Zanjoe Marudo nu’ng gawin nila ang “You Got Me” together with Sam Milby.

“There was a point in time na siya kasi iyong sumasalo sa akin, when i was mending a broken heart,” pag-amin niya.

Nang tanungin si Toni, who among the boys hurt her in the past?

“Sam Milby, hahaha. Bata pa kasi kami noon, we’re okey and good friends. But it seems like everything has been forgiven ang forgotten.”

Pero may mga naririnig din kami noon na may tampo diumano si Toni kay Sam dahil hindi na ito naglaan ng oras kahit sa pagpo-promote ng kanilang album sa Star Records. Laging hindi mag-match ang schedule nila.

How true na nu’ng si Sam na ang may oras na gustong makasama si Toni sa isang project, ang kampo naman ng aktres ang umaayaw na?

Just asking!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply