Away-buwaya

IMPITSMEN uli.

Wa epek ang mga panawagan para sa pagkakaisa, pagtutulungan at pag-ibig sa kapwa para naman umunlad sana ang buhay ni Juan.

‘Yung mga panawagan ay ginawa nitong nakaraang Krismas at Bagong Taon ng mga Kristiyano. Kamakalawa, sa Nyu Yir ng mga Tsino, naulit lahat.

Pinalilipas lang ang mga okasyong ganito at pagkatapos, away ulit.

Mabuti kung giyera-patani lang ang nagaganap. Ang gusto, eh, ipakulong ang isa’t isa.

Ganyan katindi ang agawan sa puwesto at kayamanan ng bayan. Walang Krismas-Krismas o Bagong Taon.

Tiyak na ganito rin ang mangyayari sa nalalapit nang Semana Santa. Kunwari, magpapatawaran ng kasalanan ang isa’t isa, magkakaisa, magtutulungan, mag-iibigan at magkakaisa ang mga bida at kontrabida.

Pero matapos na mapako si Kristo sa krus, mabubuhay nang mag-uli ang awayan ng mga buwaya… kung aabutin ng impitsmen ang holi wik.

oOo

Sa palagay ninyo, bakit ang sisipag ng marami na magkaroon ng impitsmen?

Para sa matuwid na daan at para sa katotohanan?

Siguro. Pero mahirap nang mawalan ng pork barrel, noh!

Hindi lang laman-tiyan para sa mga buwaya sa Kamara ang P70 milyon taon-taon na pork barrel at P200 milyon para sa mga nasa Senado.

Higit diyan, Suki. ‘Yang pork barrel na ang laman ay 20 porsyento na komisyon o 100 na ghost project ay layp-taym na pakinabang ng mga bida at kontrabida ngayon nang walang layp-istayl tsek.

‘Yan ang magtitiyak na kaya nilang gawing watcher sa halalan ang lahat ng mga botante at gawing pulitiko rin ang kanilang mga misis o mister o mga anak.

Para magkaroon sila ng dinastiya o mana-mana sa puwesto.

Si Juan, mananatili na lang na tagapanood ng pelikula nila at tagaboto nila tuwing halalan.

May libreng tiket pa na pakunsuwelo.

Hohum!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply