Ayaw kay Pacquiao; adik sa Paco at Corona kapit-tuko

MAYAMAN sa kaisipan, karanasan at paninindigan ang ating mga mambabasa kaya bigyan naman natin sila ng espasyo ngayong araw.

FILIPINO SA IMPEACHMENT

Dapat sa trial, Tagalugin nila ang mga salita nila para maintindihan ng masa. Puro sila daldal,  sila lang ang nakakaintindi, parang hindi sila mga Filipino. Mga bwiset. +63929393….

Good am, Ka Benny, ‘di  po ba puwedeng Tagalog ang gawing lengguwahe sa impeachment para naman po lubusang maintindihan ng mga Pilipinong sumusubaybay. Salamat po. +63927983….

GINHAWA SA BUHAY NASAAN

Tanong lang po, Sir Benny. Puro na lang po ba paghahabol sa mga dating nanunungkulan ang inaatupag ng administrasyon ngayon? Sana naman po unahin nila yung mga pinangangako nila na pag nanalo sila giginhawa ang buhay at darami ang trabaho. Mas marami pa yata yung mga walang trabaho ngayon eh. Concerned citizen, ng Tondo, Manila. +63928353….

CORONA KAPIT-TUKO

Ang kapal talaga ng mukha ni Corona. Pinalalayas na, kumakapit-tuko pa siya sa puwesto. Hindi si PNoy ang may gustong palayasin ka kundi ang taumbayan no.  Ang dami palang ari-arian niya. Dapat patunayan na galing sa nakaw yun at iembargo ng gobyerno. Dapat makulong yang si CJ Corona. Ang dami palang yaman niyan na nakatago.

Ang dapat gawin ng mga senador ay ipakulong si CJ Corona. Pag pumabor sila kay Corona, sigurado talo sila sa darating na eleksyon. Dapat kay Corona ay mag-resign.

Makapal ang mukha ‘yung 14 senator na bumoto para huwag nang imbestigahan ang pamilya ni Corona. Sa election wala kayong boto. Corona alam ng sambayanang Filipino na tuta ka ni Gloria Arroyo at iligal ang pagtalaga sa iyo, kaya magresign ka na.  +63932373….

SAWA NA SA CORONA IMPEACH

Puro Corona na lang. Wala naman itong kalalabasan. Puro impeachment, wala namang katuturan. ‘Di muna unahin ang problema sa bayan para lahat ng mamamayan ay makinabang. ‘Di ba mga inutil lang sila pare-pareho? Puro satsat kulang naman sa gawa. +63910446….

PABIYA-BIYAHENG ALKALDE

Mga Pasayeño at Pasayeña! Ang magaling na alkalde ng Pasay ay nanggaling na naman sa Hong Kong at Macau. Kanyang isinusugal sa casino ang perang galing sa kaban ng Pasay. Natalo sa casino kaya nanlalata nang umuwi. Mang…na naman para siya makabawi sa kanyang pinatalong pera. Kawawang Pasay, lubog na sa kahirapan. +63919504….

MGA INUTIL NA PULIS-MAYNILA

Para sa mga inutil na pulis sa Paco, Manila. Gen. Gutierrez, ano ba naman yang mga pulis sa Paco Market? Walang ibang hinuhuli kundi yung naghahanap-buhay nang marangal. ‘Yung mga addict sa loob na nakatambay sa may karnehan, hindi nila mahuli-huli.

Kung maari lang po, bigyan-pansin ang mga pulis diyan sa Paco Market. Tila natutulog ata sa kangkungan. Hoy! Gising, mga pulis na pulpol! Hulihin ninyo na ang mga addict dito sa loob ng palengke! Mga perwisyo! At mga sugalan, lahat andito na! Pati nagtitinda ng foil na ang pangalan ay MARISSA. ‘Yan ang buddy-buddy ng tulak diyan sa loob ng karnehan. +63918235….

MASUSUNGIT SA GORDON HOSPITAL

Walang kwenta at masusungit ang mga empleyado ng James Gordon Hospital dito sa Olongapo City. May public hospital ba na mas mahal ang mga gamot sa ospital kesa sa labas? Paano na lang yung mga walang pera? Eh ‘di lalong baon sila rito. Mga nagmamadali pa lagi ang mga doktor! Gumising ka, James  Gordon, ng Olongapo City. +63946706….

TOLL GATE NG ENFORCER

Good day. Grabe na naman ang traffic sa Tayuman cor. Avenida, Manila. Nag-re-routing na mga PUJ na may biyaheng P. Guevarra-Herbosa. Itong bulastog na traffic enforcer na si E. Pangilinan, e, nagpa-toll gate sa mga pasaway na driver para makaraan ng Tayuman. P20 ang bawat PUJ.. Driver din ako  kaya sana maging patas yung mga pasaway na driver na kinukunsinti ni Pangilinan. +63947961….

HAMON KAY MANNY PACQUIAO

Panawagan kay Pacquiao: “Matalo-manalo, dapat munang harapin si Mayweather.” Kayo ang hinirang na pinakamagaling sa larangan ng boxing, dapat kayo na ang magkaharap upang matigil na ang isyu patungkol sa inyo. Malugod na ikasasaya namin.

Manalo-matalo ka man, ikaw pa rin ang Pambansang Kamao, Manny Pacquiao. umaasa kami na harapin mo muna siya at burahin sa isip ng fans na naduduwag ka kay Mayweather. Kayang-kaya mo yan, Pacman ng Pilipinas.  PILIPINAS! +63946363….

GUSTONG MATALO SI PACQUIAO

Good day po! Boring ang laban kung ang pipiliin ni Pacquiao ‘yung nakalaban na niya.
Naduduwag lang si Pacquiao kay Mayweather. Hind pala si Mayweather ang naduduwag sa kanya. Sina Pacquiao at Arum ay mahilig sa rematch. Ang daming puwedeng kalabanin. Ayaw rin ni Arum na makalaban ni Pacquiao si Mayweather kasi takot matalo. Hindi pinahahalagahan ni Arum ang boksing. Para sa  kanya, magkapera lang siya. So mukhang pera kahit matanda na. Para sa aming mga fan, dapat maglaban sina Pacquiao at Mayweather para mapatunayan kung sino ang tunay na pound for pound king. Pero malabong matuloy kasi ayaw ng kampo ni Pacquiao. Kung gusto ng kampo ni Pacquiao noon pa sana nangyari. So mga fan, niloloko lang tayo nina Arum at Pacquiao. Wala silang isang salita. Sabi ni Pacman, kahit sino lalabanan nya. Sana matalo na siya sa next fight niya. +63928292….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring itawag o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply