Ayaw sa sugal (2)

NOONG Enero 10, 2012, muli na namang,  namayagpag ang “suertres,” isang uri ng sugal na ang pinansyer ay isang alyas Diego, ayon sa Movement for Violence Free Negros Oriental (MVFNO).

Sakop ng operasyon nito ang mga barangay sa Tanjay City hanggang Bais City sa Negros Oriental sa ilalim ni Gov. Ruel Degamo.

Maging ang hepe umano ng special operations group na si Sr. Insp. Kenneth Paul Albotra at ilang hepe ng pulisya sa ilang bayan ay kinakausap ang mga coordinator ng sugal na kay Diego lang magreremit ng kanilang koleksyon sa sugal.

Isa namang nagngangalang Nico Tantingco ang na-ngangalap ng mga coordinator para sa nasabing sugal.

Ang masakit, gamit sa pangunguha ng mga nasabing tauhan ng sugal ang sasakyan ng pamahalaan.

Balewala raw sa mga  pulis ang operasyon ng sugal sa nasabing lalawigan dahil nga may basbas ito ng gobernador.

Kapag ganyan naman ang mga opisyal ng pamahalaan, hindi na dapat ang mga ito binibigyan ng pagkakataon na makapagsilbi (kuno) sa bayan.

Kaya nga nananawagan ang grupong MVFNO  kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino na tulungan sila na masawata hindi lang ang krimen sa kanilang lugar subalit maging ang sugal na ugat ng kasamaan sa kanilang bayang sinilangan.

Maging ang tanggapan ni Interior and Local Go-vernment Secretary Jesse Robredo ay natawagan na ng pansin ng MVFNO kaug-nay sa mga iligal na gawaing ito.

Hiniling ng grupo na maimbestigahan ang mga su-gal na ito at ang mga opisyal ng pamahalaan na sangkot dito.

Hanggang ngayon ay naghihintay pa ang mga ito ng kasagutan.

Hiling pa ng grupo na sana bago pa man may masaktan sa kanila ay nakakilos na ang pamahalaan laban sa mga sangkot sa sugal sa kanilang lalawigan at nang maging matahimik at mapayapa na ang kanilang buhay.

Nais ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan  ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal?

Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-e-mail sa Santi_lean11@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply