Ayaw sa sugal

KAHIT buhay pa nila ang maging kabayaran, hindi alintana ng Movement for Violence Free Negros Oriental (MVFNO) ang panganib na idudulot ng pagtutol at pagbubulgar nila sa iligal na gawain ng kanilang gobernador at mga alagad ng batas na nagpapatakbo ng mga sugalan sa kanilang lalawigan.

Naniniwala ang grupong ito na malaki ang kinalaman ng sugal sa patuloy na pagtaas ng krimen lalo na ang patayan sa kanilang lugar na hanggang ngayon ay hindi nabibigyang kalutasan at katarungan dahil na rin sa pagiging abala ng mga pulitiko at pulis sa pagkamal ng salapi galing sa mga pasugalan.

Malaki ang kinalaman umano ni Gov. Ruel Degamo sa mga operasyon ng sugal sa kanyang nasasakupan dahil nagnanais itong makalikom ng milyon-milyong piso na gagamitin niya sa kanyang pagtakbo sa susunod na halalan bilang mambabatas ng ikatlong distrito ng Negros Oriental.

Parang nagko-concentrate si Governor sa sugal na ito dahil 12 porsyento umano ang pumapasok na kita ng sugal sa bulsa niya. Medyo hindi na nga naman niya kailangang magpakahirap pa sa paghahanap ng proyekto na puwedeng pagkakitaan niya ng malaki.

Ligal o iligal, hindi pumapayag ang mga taga-Negros Oriental partikular ang mga mamamayan ng Dumaguete na mamayagpag ang sugal sa kanilang lugar dahil nais nilang maging maayos ang takbo ng buhay ng mga tao rito lalo na ang mga kabataan.

Noong Enero 10, 2012, muli na naman, ayon sa MVFNO, na namayagpag ang “suertes,” isang uri ng sugal na ang pinansyer ay isang alyas Diego. Sakop ng operasyon nito ang mga barangay sa Tanjay City hanggang Bais City.

Maging ang hepe raw ng special operations group na si Sr. Insp. Ken-neth Paul Albotra at ilang hepe ng pulisya sa ilang bayan ay kinakausap ang mga coordinator ng sugal na kay Diego lang magre-remit ng kanilang koleksyon sa sugal. (Itutuloy)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply