Ayuda sa Pinay na namatay sa Lebanon inaayos na

INAASIKASO na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga dokumento ng Pilipina na namatay sa pagguho ng isang lumang gusali sa Beirut, Lebanon kamakailan.

Ayon kay OWWA Administrator Carmelita Dimzon, sa tatlong namatay, isa lamang ang may rekord sa kanilang tanggapan at lumalabas na hindi malinaw kung paano nakapasok ng Beirut ang dalawang iba pa.

Sa talaan ng OWWA, miyembro ng ahensya ang 32-anyos na Pinay na mula sa Agusan del Sur at nagsilbing house helper sa Beirut.

Patungo na ang mga tauhan ng OWWA sa mga kamag-anak ng namatay na Pinay para ipaalam ang sinapit nito.

Ani Dimzon, makatatanggap ng P200,000 death benefits at P20,000 burial benefits ang pamilya ng namatay na Pinay na miyembro ng OWWA.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply