Babae raw… Kris Aquino aanakan ni Coco Martin

TUMAMBLING, as in naloka ang mga nakarinig sa hula ng isang psychic na Bumbay sa programang Mismo nina Jobert Sucaldito at Ahwell Paz sa DZMM the past few days. By the way, before anything else we would like to announce that starting January 9, nasa ten p.m. slot na ng naturang radio station ang Mismo ng dalawa. Yes, sa halip na sa 3 pm slot, the program will be regularly heard sa ganuong oras ng gabi.

Going back sa Bumbay na manghuhula, ang pangalan niya ay Robert Das, mabubuntis daw ngayong 2012 ni Coco Martin si Kris Aquino. At sa 2013 daw ito manganganak ng isang babae.

Very unlikely, hindi po ba?

Pero talagang mapilit si Robert kahit na anong kontra sa kanya. Yun daw ang vibration niya at sobrang napakalakass daw ng feeling niya na magkakatotoo ito.

Well, ang tanging connect nina Kris at Coco ay yung pareho ang kanilang management.
Dito lang mag-uugat ang closeness ng dalawa.

So far ngayon, hindi man lang nali-link sina Kris at Coco.

Pero malay nga natin, puwedeng maging totoo, but at this point, marami’ng kumokontra dahil nga sa true lang, very unlikely na magkatotoo ito.

Kung sa amin ngayon, stupid ang hulang ito, pero kapag ang katotoo raw, ayon sa friends naming sina Jobert at Ahwell, sasambahin na raw nila nang todo ang Bumbay na psychic.

So there!

Iba pang hula ni Robert Das

Kinilabutan naman kami sa ibang hula ni Robert na lilindol daw between the period January 7 to February 7. Malaking magnitude daw ito pero sabi niya, puwedeng ipagdasal na di na ito matuloy o kaya naman yung sobrang baba lang sa scale.

Pero alam ba ninyong habang hinuhulaan niya ito, biglang sumingit yung isang flash report na may lugar na nililindol sa kasalukyan. January 6 humula si Robert na napakalapit dun sa January 7 na hinulaan niya.

Can any other psychics beat that, habang hinuhulaan, nangyayari na?

Ito naman ang isa pang hula ni Robert na magkatotoo rin daw. May isang psychic kasi ang humulang mabubuntis din daw si Marian at hindi si Dingdong ang ama. Sabi ni Robert, true daw yun, magkakatotoo raw!

Naniniwala po ba kayo?

***

Jinkee Pacquiao speaks up!

UP TO now, pinag-uusapan pa rin ang cover ni Jinkee Pacquiao sa January issue ng Mega Magazine na diumano’y sobrang na-Photoshop to the point na nagmukha na siyang cartoon o anime.

Sari-saring reaksyon ang lumabas at nag-trending topic pa nga ito sa Twitter.
May nagagandahan at nagsasabing high-end editing ang ginawa dahil hindi naman daw ganu’n kaganda si Jinkee in person.

Sinagot naman agad ng asawa ni Manny Pacquiao ang mga reaksyon at aniya, dumaan sa normal editing process ang cover photo niya pero pagdating sa figure, talaga raw slim siya ngayon.

“Payat siguro, oo. Payat ako tingnan doon. Maganda kasi ang pagka..’yung pictorial namin maganda ang pagkakagawa. Tsaka ‘yung staff din, magaling sila,” aniya in a TV interview.

“Makikita naman nila siguro sa akin na pumayat talaga ako. Hindi ko nga alam kung nag-gain ako ng weight ngayon kasi Christmas and New Year, so, kain lang,” say pa ni Jinkee.

Hinamon din niya ang mga kritiko na tingnan na lang siya in person para malaman na totoo ang kanyang sinasabi.

“Basta hindi ko na kailangang mag-explain pa. Basta ‘yun na ‘yung resulta ng aming pictorial. Maganda naman siya at happy naman ako nu’ng nakita ko,” say pa ng wife ni Pacman.

Nag-release rin ng statement ang magazine saying na may editing talagang nangyari na ginagawa nila normally sa lahat ng mga nagiging cover nila.

Nag-release rin sila ng behind-the-scenes video ng photoshoot para makita ng lahat kung gaano talaga kaganda si Jinkee sa natural pictorial.

Napanood nga namin ’yung video at ikinumpara namin sa cover. Yes, obvious naman talaga na edited ang cover photo pero kung kami ang tatanungin, hindi na siya nagmukhang natural at parang ’yung mga nakikita nating karakter sa anime.

Kapansin-pansin din sa cover na humaba masyado ang leeg ni Jinkee samantalang sa behind-the-scene video, hindi naman.

Pati ang hair ni Jinkee sa video, okay naman, pero ang lumabas sa cover, para siyang wig na ipinatong.

In fairness to Jinkee, payat nga siya sa video at maganda siya talaga ru’n.

Kaya sana, kaunting retouch na lang ang ginawa at hindi na sana masyadong ginalaw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply