Babala vs sindikato sa land grabbing

PARA sa mga kababayan natin na inaalok ng matitirhan na lupa sa Barangay Sumalo, Hermosa, Bataan, aba’y maghinay-hinay po tayo.

Nagbabala ang Litton-Riverforest Development Corporation na huwag padadala  sa panlilinlang ng isang sindikato ng lupa.

Ang warning ay mula kay retired Col. Rene Rapisura, administrator ng 213-hektaryang pagmay-may-ari ng Litton Rainforest.

Isang nagngangalang ‘De Guzman’ na dating legal officer ng Dept. Of Agrarian Reform ang di-umano’y lider ng nasabing sindikato.

Kasama nito ang dalawang opisyal ng barangay, isang milyonaryong hardware owner at ilang discharged militar na natanggal na sa serbisyo.

Ang financier umano ng naturang grupo ay kapatid ng mataas na opisyal sa Cagayan na sangkot din sa illegal logging sa Quirino province.

Isang empleyado ng provincial DAR ang sinasabing kasabwat at nagbibigay proteksyon sa grupo sa paggamit ng pekeng documents.

Ang pagkakadiskubre sa sindikato ay batay sa mga nadiskubreng kasulatan, papeles at katibayan ng titulo ng informal settlers sa Litton Estate.

Ayon kay Col. Rapisura, sila’y magsasampa ng kaso sa bumubuo ng sindikato para ma-recover ng Litton-Rainforest ang nakamkam na lupain.

At para mahinto na rin, ayon pa sa colonel, ang ginagawang pag-aalok ng sindikato sa mga sinasabing lupain at hindi na makapanloko pa.

Iginiit ni Col. Rapisura na walang karapatan ang sindikato na magbenta ng rights, gamit ang malawak na lupain ng Litton Estates.

Ang lupain na ito ng Litton family ay kinokober ng land title na TCT Nos. T-264429, T-264430 at T-246846), ayon sa retiradong opisyal.

Nakuh eh, kawawa naman ang mga inalok ng sindikato na matapos magbayad ng ‘rights’ para magtayo ng bahay sa Litton Estates ay palalayasin din.

Ang ulat sa atin eh, ipinapamalita ng naturang sindikato na ang lupang kanilang inaalok ay government property at ‘di pag-aari ng mga Litton.

Masalimuot, ‘di po ba? Kaya, sa mga nilalapitan ng sindikato para kumuha ng ‘rights’ sa Litton Estates, aba’y malaking problema yan.

Sayang lang ang inyong perang ibibigay sa land grab-bing syndicate na yan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply