Backer ng manunulot na opisyal isang KKK

IKAYA naman pala malakas ang loob nitong si Sr. Supt. DVM  na manulot ng puwesto ay dahil sa kabarilan at kaibigan ni PNoy at pinakamataas sa inanibang relihiyon ang backer nito.

Dahil dito, posible ngang maibigay sa kanya ang inaambisyong puwesto, ang pagiging District Director ng Quezon City Police District (QCPD) lalo na’t naghahari rito sa Lungsod Quezon  ang inanibang relihiyon.

Sa puntong ito ay alam ng ating mga kapulisan na hindi papayag si QC Mayor Herbert Bautista na mapalitan itong si Gen. George Regis bilang District Director ng QCPD dahil bumaba ng malaki ang krimen dito lalo na noong nagdaang Kapaskuhan.

Ayon sa ating impormasyon, itong si Col. DVM ay nagpa-convert lang sa kanyang inanibang relihiyon ngayon para makakuha ng magandang puwesto katulad din ng ibang mga opisyal at sa 10 sa 12 station commander ng QCPD.

Nakapanghihinayang lang kasi kung masusulot itong si Chief Supt. George Regis bilang Distric Director ng QCPD ngayon dahil wala naman itong bulilyasong nagawa at naging maayos at maganda naman ang pamamalakad nito sa QCPD.

Noong nakalipas na Hunyo ng 2011 pa lang naupo bilang QCPD Director itong si General Regis, at kung masusulot ito ng kanyang ka-Mistah ay malo-low morale na naman ang mga pulis dito katulad  noong  mapalitan si General Magtanggol Gatdula.

Mabilis na kumalat sa ating  mga kapulisan dito sa QCPD ang balitang panunulot nitong si Sr. Supt. DVM kay Gen. Regis, at ito ngayon ang nakapagpapagulo sa mga pulis lalo na ang mga opisyal na ilang buwan o linggo pa lang na naitalaga sa kanilang mga puwesto.

Sa halip na magtrabaho sila nang magtrabaho ay nawawalan tuloy ng gana sa pangambang masasayang lang ang kanilang pinagpapaguran dahil kapag nasulot  nitong si Sr. Supt. DVM si Gen. Regis, natural na papalitan din lahat ang mga naitalagang opisyal.

Oo nga naman, sayang nga naman ang kanilang mga pinagpapaguran kung agad din silang mapapalitan.

Hindi sa ipinagtatanggol ko si Gen Regis, ang punto ko lang dito ay ang ginawang panunulot sa puwesto ni Sr. Supt. DVM.

Hindi ito magandang kaugalian ng isang opisyal ng PNP lalo na sa isang PMAer na alam naman nating mga disiplinado at mabubuti ang asal bukod sa marunong tumanggap ng kanilang pagkatalo.

Okey lang na maging District Director itong si Col. DVM sa QCPD basta ba itinalaga siya rito at hindi nanulot at walang naaapakang tao.

Paano mo irerespeto ang nakatataas sa iyo kung ganito naman kagarapal at kakapal ang mukha, hindi po ba, Colonel Dela Vega?

Para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento ay mag-text lang sa 09155683000 o kaya ay mag-email sa lily-_reyes13@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply