Bading na negosyante utas sa 2 callboy

PATAY ang 48-anyos na negosyanteng bading matapos pagsasaksakin at pagnakawan ng dalawang callboy sa Sampaloc, Maynila kaninang madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Mario Vito, alyas “Dominic Velasco, businessman ng 940 Ma. Luisa St., Sampaloc, Manila.

Unang nadakip ng mga barangay tanod ang suspek na si Ronaldo Joson, 21; tubong Cabanatuan City, residente ng 31 E-Bayani St., Brgy. San, Isidro Quezon City.

Samantala, sa follow-up operation ni P/Supt. Rolando Balasabas, Station Commander ng MPD-Sampaloc Police Station 4, nadakip sa lugar si Jordan Gino Apag , 22, tubong Zamboanga del Sur; tambay at residente ng 6050 Del Mundo St., Ugong Valenzuela City.

Batay sa ulat, 1:45 ng madaling-araw nang maganap ang nasabing krimen sa loob ng bahay ng biktima.

Ayon sa pinagsamang report nina Ronaldo Cabigon; Danilo Calica at isang Noly Narral, pawang barangay tanod ng Brgy. 549 Zone 54 sa Sampaloc, una nilang sinita ang dalawa dahil sa bitbit na mga bag.

Ngunit sa halip na huminto ay nagpahabol ang mga ito hanggang madakip si Joson habang nakatakas naman si Apag.

Lumitaw sa ulat ng pulisya, na kinuha ng biktima ang dalawa para bayaran sa panandaliang aliw at dinala sa bahay kung saan pinagsasaksak siya ng mga suspek bago pagnakawan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply