Bading patay sa gulpi sa Sta. Cruz, Maynila

PALO ng matigas na bagay ang isa sa dahilan ng pagkamatay ng 21-anyos na bading, matapos bugbugin ng hindi nakilalang mga salarin sa kalye ng Sta. Cruz, Manila kaninang madaling-araw.

Kinilala lamang ang biktima sa pangalang Mateo Vicente.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya, upang matukoy ang pagkakilanlan ng mga salarin.

Sa ulat na isinumite ni Det. Virgo Villareal kay PSr. Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, alas-4:30 ng madaling-araw nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa Oroquieta at Cavite St., sa Sta. Cruz.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na maaaring sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lamang sa madilim  na bahagi ng nasabing lugar ang kanyang bangkay.

Nakita ang biktima na naka-make-up at lipstick pa habang nasa tabi ang kanyang belt bag na naglalaman ng mga gamit pambabae.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply