Bagama’t kabado… Vice Ganda patatalsikin ni Sarah Geronimo

KINUMPIRMA mismo ni Sarah Geronimo nung isang gabi sa kanyang thansgiving party sa press na ginanap sa kanilang pag-aaring Imo’s Pancit Malabon restaurant sa Mindanao Avenue, Quezon City ang balitang magkakaroon siya ng sariling show sa ABS-CBN tuwing Linggo ng gabi simula Pebrero 18.

Bagama’t hindi pa alam ni Sarah ang timeslot nito, kalat na kalat na sa apat na sulok ng local showbiz na patatalsikin nito ang maangas at mayabang nang si Vice Ganda at itong kanyang musical show na may pamagat na Sarah G Live! ang papalit.

Dahil sa show na ito, magpapahinga muna ang Pop Princess sa Sunday variety show na ASAP.

Sobrang kaba naman ang nararamdaman ng dalaga sa nalalapit niyang show pero excited siya at the same time: “Siyempre ho, nung una ayoko, natatakot ako. Kasi sariling show ko na ‘yon, e. Saka malaking responsibility ‘yon sa akin as an artist. Pero, blessing ito. Napakagandang blessing nito at another challenge para sa akin para mag-grow as an artista and as a person. So, ba’t ko tatanggihan?.”

***

Kapamilya sinugod ng Kapuso stars

EWAN natin kung bakit parang nagtalsikang mga baga ang ilang GMA-7 talents at biglang naglipatan sa ABS-CBN. Sunod-sunod silang
nag-igpawan.

Sina Janice de Belen at Carmina Villaroel ay sabay na pumirma sa Kapamilya network, at si Iza Calzado naman ay may hawak na raw na ballpen at handa na ring mag-sign ng contract.

Pero bago ito, nauna nang nagpalamig-lamig sa Dos si Paulo Avelino.

Samantalang si Joey Marquez ay labas-masok na rin sa bakuran ng naturang istasyon at inaamoy-amoy na ang kapaligiran – para kapag lumipat na raw ay hindi na mamahay.

Hahaha!

Ito namang si Iwa Moto ay parang pusang gala na hindi alam kung saan aakyat ng bakod, sa Channel 2 ba o sa TV5 pagkatapos na magpa-release sa Siyete dahil nagugutom na raw doon. Matagal na kasing hindi siya nabibigyan ng project ng kanyang mother network.

Pero dinig namin, pangarap daw nitong mapabilang sa matitikas na talent ng star network para naman maging sozy ang dating niya at mawala ang impression sa kanya na isa siyang kaladkaring babae.

Anyway, marami pa raw ang susunod kina Carmina, Janice, Iza at iba pa.
Ano ang ibig sabihin nito, na sila’y naniniwalang ibebenta na ang GMA kay Mr. Manny Pangilinan?

Paano naman kasi nagbitaw pa ng salita (kahit pabiro, hindi sana niya sinabi ‘yun) si Mr. Gozon na kapag umabot sa 500 bilyon ang i-offer sa kanya ni Mr. Pangilinan ay gisingin lamang siya’t pipirma na. Eh, si Sharon Cuneta nga na isa lamang artista ay nabigyan ng bilyones na kontrata ng pamosong negosyante at tuloy-tuloy ito, how much more itong isang bagsakan lang?
Susme! Wag n’yong dini-dare ng ganyan si Sir Manny dahil hindi niya kayo aatrasan.

Tuloy itong mga talentadong contract star ng Kapuso ay nag-panic.

Payapain ninyo ang kanilang damdamin at baka maging palaka sila na kapag natubigan ay biglang mag-lundagan. Hehehe!

****

Ate Vi nananatiling may koneksyon sa kanyang mga fans

ONE big happy family kung ituring ni Vilma Santos ang kanyang sarili at ang sangkaterba niyang mga fans. Tumanda na’t lahat ang mga ito, parati pa rin silang may ugnayan kay Ate vi. Hindi nawawala ito. Namayapa na ‘yung ilan sa mga may edad na tagahanga niya, ngayon naman ay ‘yung kanilang mga anak at apo. Ika nga’y walang katapusan ang paghanga nila sa Star for All Seasons. Pami-pamilya sila. Hitsurang may life-cycle ang kanilang pagdambana sa veteran and multi-awarded actress.

Kung may isusulat kaming libro para sa isang artista, si At Vi na ito.

Masyado kasing makulay ang kanyang buhay-artista. Sa isang pamilya lang ng tagahanga niya at siya ay samu’t saring kwento na ang malalaman mo.
Sobrang mapapahanga ka talaga sa kanya dahil siya mismo ang bumababa mula sa pedestal na kinatatayuan niya at inaaabot ang kanyang mga kamay sa kanyang mga tagahanga.

Dahil sa kagandahan ng ugali ng gobernadora ng Batangas, tuloy heto’t nagiging makata na kami kung siya’y isulat namin. Hahaha!

Anyway, sana nga matupad ‘yung tsismis na matagal na naming naririnig na may mga progresibong grupong nagtutulak kay Ate Vi na tumakbo siya sa pagkapangalawang pangulo ng bansa. Ang sarap kasing lider ang isang taong kung ituring ang kapwa ay kapamilya niya. Walang pinipili, walang sinisino.

Ikaw na, Ate Vi! Hahaha!

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply