Bago mag-out noon sa PBB: Bebe Gandanghari umamin na sa ex na si Carmina

WELL, for the record, matagal na panahon na palang alam ni Carmina Villaroel na gay si Rustom Padilla na ngayon ay si Bebe Gandanghari na. Kaya nga nakipaghiwalay si Mina, di ba? Dahil hindi nito ma-take na kauri rin ang mister na actor. Pero ‘yung rebelasyon ni Carmina sa The Buzz last Sunday ay shocking sa televiewers na kaagad nag-trending sa Internet worldwide. Yes, prangkang sinabi ng aktres on national TV na bago pa nag-come-out noon sa Pinoy Big Brother house si Rustom ay nakipagkita muna ito sa kanya.

Nag-usap raw sila na parang friends lang at doon ay nagpaalam ito sa kanya na aamin na sa PBB sa tunay nitong pagkatao. Ang alam kasi ng publiko hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-uusap ang dating showbiz couple. At abangan dahil wino-work-out na ngayon ng production team ng showbiz talk show na iho-host ni Carmina with Janice de Belen sa Dos ang muling paghaharap ng aktres at ni Bebe. Isa kasi si Bebe sa gustong ma-interview ni Carmina sa talk show nilang ito na papalit sa mawawalang Entertainment Live.

Nang tanungin ni Kuya Boy Abunda si Carmina kung ano ang unang sasabihin nito kay Bebe sa kanilang interview? Walang bakel na sagot nito magpapa-thank you siya rito dahil siya ang “peg” nito. Tawanan ang lahat sa audience sa tinurang ito ni Mina. True! Siyang-siya nga at ang beauty niya ang ginagaya noon pa man ni Bebe. Mag-amiga na lang gyud!

***

MMFF Best Child Performer Bugoy Carino bida na sa ‘E-boy’

MARAMING beses na naming napanood sa mga teleserye ng Kapamilya network itong si Bugoy Carino.

Unang kita pa lang namin sa isa sa pinaka-importanteng childstar ngayon sa ABS-CBN ay napahanga na kami sa pag-arte nito and for us malaki talaga ang potential nito na sumikat nang husto tulad ng mga batang artista na sumikat noong dekada 80 at 90 at sa bagong henerasyon na sina Zaijan Jaranilla, Xyriel Manabat, Mutya Orquia, Louise Abuel.

‘Yung acting nga na ipinamalas ni Bugoy sa episode ng mga kasamahan niya sa Star Magic na sina Maricar Reyes at Zanjoe Marudo sa “Shake Rattle & Roll 13” ay talagang kahanga-hanga kaya siya ang tinanghal na Best Child Performer sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2011.

At dahil hinog na si Bugoy para magbida ay sa kanya ipinagkatiwala ang E-boy na malapit nang mapanood sa Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN. Abangan at tuklasin sa E-boy, ang nakaaantig na kuwento ng isang batang robot na binigyan ng mga katangian ng isang tao na nang lumaon ay nagtulak sa kanyang hangaring maging isang tunay na bata. Ngunit sa kanyang paglalakbay at sa pamamagitan ng kanyang mga karanasan, malalaman niyang ang pagiging tao ay hindi lamang nasusukat sa pagkakaroon ng laman at dugo kundi ito ay “buhay” na binibigyang kahulugan ng pamilya, pagkakaibigan at tunay na pagmamahal.

Makakasama ni Bugoy sa E-boy ang mga premyadong bituin na sina Ariel Rivera, Jomari Yllana, Agot Isidro, Valerie Concepcion, Jaime Fabregas, Chinggoy Alonzo, at Pen Medina. Tampok rin sina Blythe Gorostiza, Arjo Atazde, Carme Sanchez, Akiko Solon, Bryan Santos, at ang mga kapuwa child star ng bida ng E-boy na sina Maliksi Morales at Deydey Amansec.

Sina FM Reyes at Nick Olanka ang magkatuwang sa pag-direk nito at sila ang mga naghatid sa atin ng hit teleseryeng Lobo at Imortal. Mapanonood na ang E-boy simula sa Enero 30 pagkatapos ng TV Patrol sa Dos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply