Bagong anyo ng aktibismo

KAPAG tinawag ang isang tao na “aktibista,” ang agad na mabubuo sa isip ay isang taong matapang at parating naghahanap ng komprontasyon.

Sila ay matatagpuan tuwing may demonstrasyon o rally o strike. Nakataas ang nakatikom na kamao at buong galit na sumisigaw ng “Ibagsak!”

Pero hindi lahat ay nagagandahan sa imaheng ito.

Heto nga’t kung ang sektor ng transportasyon ang nag-iinisyatiba ng aktibismo ay maraming naaasar, naiinis o nagagalit dahil perwisyo umano sa kalsada.

Ang karaniwang porma kasi ng aktibismo ay tigil-pasada o kaya ay rally sa kalye.

Sa kasamaang-palad, tila hindi na kasing epektibo tulad ng dati ang ganitong mga porma ng pagpapahayag ng pagtutol sa isang di-magandang kalakaran o paglaban sa pang-aabuso ng nakaaangat.

Dahil dito, nararamdaman ng TRANSPORTER na kailangan na ang panibagong anyo ng aktibismo.

Isang pagkilos nang sama-sama na hindi kailangang may magalit at kung mayroon mang sumama ang loob ay ang mismong target ng aktibismo.

Ang tawag natin dito ay “economic activism.” Hindi na itobago. May gumawa at gumagawa na nito sa ibang bahagi ng mundo.

Sa Pilipinas, maliban sa pabugso-bugsong pagkakataon, ay hindi pa talaga isinasagawa nang pangmatagalan.

Alam ng TRANSPORTER na ito ang wastong porma ng pagpapakita ng lakas.

Bagay ito sa ating organisasyon dahil sa laki at lawak ng ating kasapian.

Kung ang isang produkto, halimbawa ay krudo o gasolina, ay pipiliin nating tangkilikin mula sa iisang kompanya lamang at magkakaisa tayong tatalima sa desisyong ito, tiyak na may mangyayaring maganda para sa sektor.

Mapipilitang maging patas sa presyuhan ang ibang kompetisyon.

At ang mapalad na mapipiling tangkilikin ay tiyak na magbibigay ng substansyal na ekstrang pabor sa ating grupo.

Ang isang negosyo, kapag nasasaktan ang bulsa, ay tumitino.

Gusto natin ng pruweba? Gawin natin ang programang ito na tinatawag ng 1-UTAK party-list group na “Buy As One Movement.”

Sa pamamagitan nito, patutunayan nating buhay at epektibo pa ang aktibismo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply