Bagong hepe ng PAF itinalaga ni PNoy

ITINALAGA na ngayon ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III si Major General Lauro Catalino Dela Cruz bilang bagong commanding general ng Philippine Air Force (PAF).

Kasunod ng pagretiro ni Lt. Gen. Oscar Rabena, pinangalanan ng Pangulo si Dela Cruz bilang susunod na hepe ng hukbong panghimpapawid ng bansa.

Si Dela Cruz ay miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1980.

Bago ang pagkakasingkaw sa pinakamataas na posisyon sa PAF, si Dela Cruz ay nagsilbing Chief of Air Staff at dating commander ng 205th Tactical Helicopter Wing. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply